• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas opisyal ng nakapasok sa FIBA Asia Cup 2025

Opisyal ng maglalaro sa FIBA Asia Cup 2025 ang Gilas Pilipinas na gaganapin sa Saudi Arabia sa buwan ng Agosto sa susunod na taon.

 

 

 

Ito ay matapos na talunin ng New Zealand ang Chinese Taipei 81-64 sa home court ng New Zealand.

 

 

Matapos ang kasi ang pagkatalo ng Taiwan ay tiyak na ang puwesto ng Pilipinas sa Top Two sa Group B na siyang kailangan para makaabot sa torneo sa buwan ng Agosto.

 

 

Mayroong apat na panalo at wala pang talo ang Gilas ng tambakan nila ang Hong Kong 93-54 nitong linggo sa Mall of Asia Arena.

 

Pasok rin ang New Zealand Tall Blacks ng talunin nila ang Chinese Taipei at makuha ang record na 3-1.Streaming service.

 

 

Sa susunod na taon na torneo ay nais ng Gilas na ma-improve ang kanilang ika-siyam na puwesto noong FIBA Aisa Cup sa Jakarta noong 2022.

 

 

Tatangkain ng Gilas Pilipinas na agawin ang korona sa Australia na siyang defending Asia Cup champion.

 

Kasama ring nakapasok sa FIBA Asia Cup ang Japan at ang Saudi Arabia bilang host country.

Other News
  • Nude photo ni J.Lo, pinagkaguluhan social media

    BREAKING the internet ang nude photo ni Jennifer Lopez na cover ng kanyang new single na “In the Morning.”   Nagkagulo sa social media dahil sa hubo’t hubad na photo ni J.Lo!   Bago i-drop ang new single, nagpatikim ang 51-year old singer-actress ng teaser video bilang pang-promo. Ang kanyang racy cover ay kuha nina […]

  • Cool Smashers umentra sa semis

    PORMAL nang nagmartsa sa semis ang Open Conference champion Creamline matapos patalsikin ang Chery Tiggo sa pamamagitan ng pukpukang 25-14, 25-20, 21-25, 28-26 desisyon kagabi sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.     Sumulong ang Cool Smashers sa ikaapat na panalo para saluhan ang Cignal HD sa […]

  • Mobile Legends Tournament inilarga ni Mayor Joy

    PORMAL nang inilunsad ni Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang Acting President ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang kauna-unahang Mobile Legend Bang Bang Tournament na inorganisa ng LCP sa isang simpleng pagtitipon sa Solaire Hotel sa Quezon City. Sa media conference, sinabi ni Mayor Belmonte na ang torneo ay magbibigay daan na […]