Gilas Pilipinas sisimulan na ang training camp sa Biyernes
- Published on November 14, 2024
- by @peoplesbalita
ISA-isa ng dumarating sa bansa ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas para sa nalalapit na FIBA Asia Cup sa darating na linggo.
Mula kasi sa mga liga nilang sinalihan sa ibang bansa ay nasa bansa sina Kai Sotto at guard na si Dwight Ramos habang inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay darating sina AJ Edu at Carl Tamayo.
Sinabi ni Gilas team manager Richard Del Rosario, na darating ngayong araw si AJ habang si Carl ay sa a-kinse.
Agad na didiretso si Tamayo sa Inspire Sports Academy sa Laguna kung saan magsisimula sa araw ng Biyernes ang kanilang training camp.
Sa nasabing apat na manlalaro ay tanging si Edu ang maglalaro sa pamumuno ni head coach Tim Cone.
Unang makakaharap ng Gilas ang New Zealand sa Nobyembre 21 sa Mall of Asia Arena at susundan ng Hong Kong sa Nobyembre 24.
-
Tiger Woods pangatlong atleta ng US na nasa billionaires list ng Forbes
KASAMA na si golf star Tiger Woods sa listahan ng bilyonaryo na manlalaro sa buong mundo. Inilabas ng Forbes magazine ang nasabing pagsali ni Woods sa billionaires list isang linggo ng masali si NBA star LeBron James. Base sa Forbes na aabot sa mahigit $1.7 bilyon ang yaman nito na karamihan […]
-
DA, inaasahan na bababa ang presyo ng sibuyas sa ₱100-150/kilo sa oras na dumating na ang inangkat na kalakal
INAASAHAN na ng Department of Agriculture (DA) na bababa ang presyo ng sibuyas sa halagang ₱100 kada kilo sa oras na dumating na sa bansa ang inangkat na kalakal. “We are looking at the ₱100-150 (per kilo) cap. These are estimates only because we have to get first the final price of the […]
-
Registration sa Social Media accounts, di pinalawig
WALANG pagpapalawig sa deadline ng registration sa social media accounts ng political parties ,party-list groups at aspirants para sa kanilang kampanya para sa 2025 polls, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong martes. Ayon sa Comelec resolution No.11064-A, ang social media registration ay dapat sa/o bago ang Disyembre 13. Pinaalalahan ni Comelec Chairman […]