• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas player Kevin Quiambao bumida sa panalo ng DLSU para maitabla sa 1-1 ang UAAP Season 87 kontra UP

HINDI pa bumitaw ang De La Salles University matapos na makuha ang emosyonal na panalo 76-75 laban sa University of the Philippines sa best of three finals ng UAAP Season 87 men’s basketball.

 

 

 

Nanguna sa panalo si Kevin Quiambao kung saan naipasok niya ang kaniyang three-pointer sa natitirang dalawang minuto ng laro para madala ang 73-71 na kalamangan ng La Salle sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.

 

 

Matapos nito ay naipasok niya ang panibagong three points sa natitirang 1:30 ng laro 74-73 at para mabaligtad ang kalamangan ng 11 points ng UP.

 

 

Nagtalang 22 points at siyam na rebounds si Quiambao at naitabla sa 1-1 ang best of three finals.

 

 

Gaganapin naman sa araw ng Linggo sa Araneta Coliseum.

Other News
  • Dedicated ang speech sa fiancee at dalawang anak: Macaulay Culkin, nabigyan na rin ng star sa ‘Hollywood Walk of Fame’

    NAGBABALIK din GMA si Michelle Vito na lumabas noon sa Kapuso teleserye na ‘Nita Negrita’ at sa teen drama series na ‘Reel Love Presents Tween Hearts.’     Kabilang si Michelle sa cast ng ‘Lovers/Liars’ kunsaan gumaganap siya bilang isang single mother na dumaan sa maraming pagsubok.     “Hindi ito ‘yung usual Michelle na […]

  • Evangelista, Santor hinirang na MOS

    HINIRANG sina Aishel Evangelista ng Betta Ca­loocan Swim Team at Patricia Mae Santor ng Ilus­tre East Swim bilang Most Outstanding Swimmer (MOS) sa pagtatapos ng “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Leg 1 kamakalawa sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila.   Nanguna ang 14-an­yos na si Evangelis­ta, Grade 10 student sa […]

  • OVP, tutulong sa DepEd sa paghahanda para sa pasukan

    NAKIPAGTULUNGAN ang Office of the Vice President (OVP) sa Department of Education para sa isang linggong nationwide school maintenance program para paghandaan ang opisyal na pagsisimula ng klase sa August 29 ng kasalukuyang taon.     Ang mga naturang ahensya na parehong pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte, ay nagtulungan para sa Brigada Eskwela 2023, […]