• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas roster, malakas ang laban – coach

Malaki ang tiwala ng coaching staff ng Philippine men’s basketball team na may ibubuga ang isasabak nilang line-up kontra sa Indonesia para sa kanilang laro sa unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers.

 

Ayon kay Gilas Pilipinas interim coach Mark Dickel, hindi raw naging madali ang pagpili sa komposisyon ng team dahil marami silang bagay na ikinonsidera.

 

Paliwanag pa ni Dickel, magiging sandigan ng Pinoy cagers ang PBA players na kanilang napili, na aayudahan naman ng limang mga batang manlalaro.

 

“It was not an easy team to pick,” wika ni Dickel. “We had numerous combinations that we could have gone with, and in a few positions, we felt like we had covered it with some young players so they had an advantage thinking towards the future.”

 

Kasama sa linya ang mga Gilas stalwarts na sina team captain Kiefer Ravena, kapatid nitong si Thirdy, CJ Perez, Poy Erram, Roger Pogoy, at Troy Rosario.

 

Mabibigyan din ng tsansa ang mga bagong salta na sina Abu Tratter, Justin Chua, Dwight Ramos, Isaac Go, Juan Gomez de Liaño, at Matt Nieto.

 

Nabaklas naman sa listahan ng final 12 si Rain or Shine star Javee Mocon, na nahanay lang tatlong reserve kasama sina Jaydee Tungcab at Rey Suerte.

 

Sumalang pa sa dalawang practice ang Gilas bago lumipad pa-Indonesia ngayong araw (Biyernes), bago ang kanilang game sa araw ng Linggo, Pebrero 23.

 

Sinabi ni SBP president Al Panlilio, tiwala sila na mangingibabaw ang koponan sa nasabing torneo dahil halos lahat ng mga manlalaro ay bata.

 

“Our unit is one that features balance between youth and experience as we have seven PBA players, six of whom already have international basketball experience,” sabi naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio sa isang pahayag. (REC)

Other News
  • AYALA MALLS CINEMAS’ “THRILL FEST” EXCLUSIVELY BRINGS ICONIC HORROR MOVIE “THE EXORCIST” 50TH ANNIVERSARY DIRECTOR’S CUT

    READY for Halloween? To jump-start the spook-tacular season, Ayala Malls Cinemas is exclusively bringing back “The Exorcist” to theaters for its 50th anniversary, featuring a remastered director’s cut with additional terrifying visuals.      “The Exorcist: 50th Anniversary Director’s Cut” officially opens on September 27 this year’s “AMC Thrill Fest,” a month-long Halloween special by […]

  • Jesus; John 15:4

    Live in me and I in you.

  • NASITA SA FACE MASK, OBRERO KALABOSO SA BARIL AT SHABU

    KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang 48-anyos na construction worker matapos mabisto ang baril at shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 3 Commander PMAJ Tessie Lleva ang naarestong suspek na si Eric Lian, ng 171 A. Fernando […]