• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas, sa Qatar na tutungo para sa February window ng FIBA qualifiers

Idaraos na sa Doha, Qatar ang mga laro ng Gilas Pilipinas para sa ikatlo at huling window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifier.

 

 

Kung maaalala, napilitan ang Pilipinas na umatras sa hosting ng mga laro ng Group A at C sa Clark, Pampanga dahil sa travel ban na ipinataw ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay Al Panlilio, presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, hindi mababago ang petsa ng mga laro ng Pilipinas ngunit makikipag-ugnayan pa rin sila Qatar Basketball Federation para sa final schedule.

 

 

“We would have loved to host Groups A and C in Clark but things beyond our control made it necessary to adjust our plans and we thank everyone for their flexibility,” saad ni Panlilio sa isang pahayag.

 

 

“The games will be played within the same timeframe but we’ll be communicating with the Qatar Basketball Federation for the final schedule as there might be necessary adjustments since they are now hosting 12 teams,” dagdag nito.

 

 

Kasama ng Pilipinas sa Group A ang Korea, Thailand, at Indonesia.

 

 

Maliban sa Group A, sa Doha na rin gaganapin ang mga laro ng Group B na kinabibilangan naman ng Japan, China, Chinese Taipei, at Malaysia.

 

 

Nakatakda namang gawin ang huling window ng qualifiers mula Pebrero 17 hanggang 23.

Other News
  • Taulava swerte kay Guiao

    Ipinagmalaki ni veteran Philippine Basketball Association (PBA) star Asi Taulava na umikot ang kanyang career bilang basketbolista kay coach Yeng Guiao.   Sa kwento ni Asi, bago pumasok sa PBA bilang direct-hire ng Mobiline noong 1999, nagsimula umano ang kanyang career sa Pilipinas sa paglalaro sa Blu Detergent sa Philippine Basketball League (PBL) VisMin Cup, […]

  • 2021’s “Dune” Returns to PH IMAX Cinemas Starting February 7, With a Special Sneak Peek of New “Dune: Part Two”

    THE desert calls. Return to the world of Dune before watching one of the most exciting sequels of the year. Dune returns exclusively to IMAX starting February 7. This is your chance to experience Denis Villeneuve’s first Dune film the way it was meant to be seen. This special experience also includes a sneak peek […]

  • ‘Walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown pagkatapos ng halalan sa Mayo’ – Duque

    WALA umanong nakikitang indikasyon sa ngayon na magpapatupad ng lockdown pagkatapos ng halalan sa Mayo 9 dahil sa posibilidad ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.     Ayon kay DOH Secretary Frnacisco Duque III, tanging granular lockdowns lamang at hindi malawakang lockdown ang posibleng ipatupad kung kinakailangan.     Maging ang OCTA Research Group […]