Gilas sasalang sa tuneup vs China
- Published on June 23, 2021
- by @peoplesbalita
Sasailalim ang Gilas Pilipinas sa dalawang importanteng tuneup games laban sa powerhouse China bilang bahagi ng paghahanda sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.
Mismong si Chinese head coach Du Feng ang nagkumpima na mananatili sa Clark ang kanyang bataan matapos ang kampanya nito sa katatapos na FIBA Asia Cup Qualifiers.
Limang araw pa ang gugugulin ng Chinese squad sa Pilipinas para sa naturang dalawang tuneup games.
Gaya ng Gilas Pilipinas, naghahanda rin ang China sa Olympic qualifying na idaraos naman sa Canada sa parehong petsa.
Matapos ang tuneup games, agad na tutulak ang Chinese squad sa Canada.
“We will still be staying for the next five days before we fly to Canada,” ani Du.
Bumilib si Du sa magandang inilaro ng bagitong Gilas Pilipinas team na nakumpleto ang 6-0 sweep sa Group A ng qualifiers.
“For this Asia Cup qualifiers, the Philippine team actually had good games, and I think the games which we will play against them will be good experience for us before we play our opponents (in the OQT) against Canada and Greece,” dagdag ni Du.
Naghahanda naman ang Gilas Pilipinas sa mabigat na labang haharapin nito sa Belgrade dahil bigating koponan ang kanilang makakasagupa.
Nangunguna na ang host Serbia kasama pa ang Dominican Republic.
Tulad ng Gilas, binubuo rin ng bagitong lineup ang Chinese squad kaya’t magandang pagkakataon ang tuneup games para mahasa ng husto ang dalawang tropa.
-
Nang tanungin sa totoong estado ng relasyon: PAULO, naghihintay pa rin kung gugustuhin ni JANINE
HANDA na ba sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez na sabihin kung ano ang totoong estado ng kanilang relasyon? “Sakto lang,” sagot ni Paulo tungkol sa real status ng relasyon niya with the award-winning young actress. “Busy naman kami sa mga trabaho namin ngayon. Janine is doing another teleserye.” “Next month we […]
-
Ads October 3, 2020
-
BI, nakatakdang ipatupad ang dati pang deportation order kapag nakalaya na si Pemberton
Nakasalalay na umano sa kampo ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kung aapela pa ito sa deportation order ng Bureau of Immigration (BI) kapag ito ay napalaya na. Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra kung sakaling hindi na aapela si Pemberton ay bahala na ang BI na ipatupad ang deportation order laban […]