• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas todo kayod na sa ensayo

PUKPUKAN na sa ensayo ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang first window ng FIBA World Cup Qualifiers na papalo sa Peb­rero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Kasama na ng Gilas Pilipinas pool ang mga players ng Talk ’N Text Tropang Giga matapos ang mga laro nito sa PBA Season 46 Govenors’ Cup.

 

 

Pinag-aaralan na ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes kung sinu-sino ang ipapasok nito sa Final 12. Sa ngayon, wala pa itong napipisil para sa final roster.

 

 

Inaasahang ihahayag ito ng veteran mentor ilang araw bago magsimula ang qualifiers.

 

 

“We still haven’t made up our mind who’s going to make any kind of final roster. So now, we can put in our effort and my 100% focus on figuring out. We may just want to put in some fundamentals for the team, make sure we would be able to put in a competitive team for the window,” ani Reyes.

 

 

Sa kasalukuyan, may 22 players ang nasa pool ng Gilas Pilipinas.

 

 

Pasok sa pool sina Tropang Giga players Jayson Castro, Poy Erram, Kelly Wiilliams, Troy Rosario, Ryan Reyes at Kib Montalbo kasama sina Gilas cadets Lebron Lopez, Dwight Ramos, Thirdy Ravena, Juan Gomez de Liaño, Will Navarro at naturalized player Angelo Kouame.

 

 

Ayon kay Reyes, pagbabasehan nito ang huling limang araw ng training ng Gilas Pilipinas para madetermina ang final roster para sa qualifiers.

 

 

Makakaharap ng Gilas sa naturang torneo ang South Korea sa Pebrero 24 at Pebrero 28 gayundin ang India (Pebrero 25) at New Zealand (Pebrero 27).

 

 

“We’re going to look at the last five days of practice as our final preparation for the task at hand,” ani Reyes.

Other News
  • Bulacan, muling isinailalim sa MECQ

    LUNGSOD NG MALOLOS – Kagyat na nagpatawag ng pulong si Gob. Daniel R. Fernando kasama ang Inter-Agency Task Force matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na muling isasailalim ang Bulacan kasama ang iba pang lalawigan na nakapalibot sa National Capital Region sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 4-18 dahil sa paglobo ng kaso […]

  • China nag-OK sa emergency use ng Sinovac para sa mga edad 3-anyos hanggang 17-anyos

    Inaprubahan na ng China ang emergency use sa Sinovac Biotech’s COVID-19 vaccine para sa mga nag-edad 3-anyos hanggang 17-anyos.     As of June 3, nasa 723.5 million doses na ng vaccine ang naiturok sa mass vaccination drive sa China.     Nilinaw naman ni chairman Yin Weidong, na kapag ang bakunang Sinovac ay inaalok […]

  • Pagpaptupad ng solarization program, paiigtingin ng QC LGU

    UPANG maibsan ang paggamit ng mga Non-Renewable Energy sa lahat ng city-owned buildings, hospitals at paaralan sa Quezon City ay palalawigin ng QC Local Government ang kanilang Solarization Program o ang paglalagay ng solar panels energy system sa lungsod.       Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng […]