• October 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas tutok na sa Saudi

SESENTRO  na ang a­ten­siyon ng Gilas Pilipinas sa pagsagupa sa Saudi Arabia ngayong gabi sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa King Abdullah Sports City sa Jeddah, Saudi Arabia.
Maghaharap ang Pilipinas at Saudi Arabia sa alas-7 ng gabi (alas-12 ng madaling-araw sa Maynila) kung saan target ng Gilas Pilipinas na walisin ang dalawang misyon nito sa Middle East.
Una na nitong pinataob ang Jordan sa pamamagitan ng 74-66 panalo noong Biyernes para umangat ang rekord ng Pilipinas sa 4-3 marka.
Umaasa ang Gilas na muli itong maglalatag ng solidong laro gaya ng ginawa nito sa Jordan.
Pangunahing naging armas ng Pinoy cagers ang solidong depensa na siyang naging daan para masawata ang Jordan partikular na ang main player nitong si naturalized Dar Tucker.
Kaya naman masa­yang tumulak patungong Saudi Arabia ang Gilas.
“We just had fun. It was just selfless basketball. No one really cared who scored,” ani Kai Sotto na siyang naging top scorer ng GiIas kontra sa Jordan.
Umaasa ang Pinoy squad na mauulit nito ang 84-46 demolisyon nito sa Saudi Arabia noong Agosto 29 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“Malaking bagay sa amin ‘tong panalo na ito coming to Saudi, at least yung confidence namin mataas. Syempre home court nila, so sana mas mahigitan pa namin yung energy namin sa Saudi kasi malaking bagay din yun for us,” ani reigning PBA MVP Scottie Thompson.
Subalit mataas din ang moral ng Saudi na galing sa impresibong 85-54 pagbomba sa India noon ding Biyernes.
Other News
  • UP guard Bea Daez, ikinagulat na mapili bilang WNBL ambassador

    Ikinagulat ni dating University of the Philippines guard Bea Daez-Fabros sa pagkakapili sa kaniya ng WNBL bilang ambassador.   Sinabi nito na hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok ni NBL executive vice president Rhose Montreal.   Dagdag pa nito na layon nito ngayon ay palaguhin ang women’s basketball sa bansa. Nag-represent na […]

  • REGINE, naalarma na kaya nakikiusap sa tulungang i-report ang mga fake accounts na ginawa for NATE

    NAALARMA na si Regine Velasquez-Alcasid sa pagkalat ng fake socmed account ng anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate.     Kaya naman sa Instagram post niya ay nakikiusap ang Songbird na i-report pag may nakitang account ni Nate tulad ng @booboobear_nate:     “Hi guys makikiusap sana ako na kung may makita kayong […]

  • Pag-angkat ng sibuyas, aprub na – DA

    TULOY na ang pag-aangkat ng Pilipinas ng sibuyas.     Ito ang sinabi ni Agriculture spokesman Rex Estoperez makaraang aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang importasyon ng 21,060 metrikong tonelada ng sibuyas.     Sinabi ni Estoperez na nilagdaan na ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang importasyon ng fresh yellow and red onion. […]