Gin Kings nakauna sa Beermen sa semis
- Published on October 11, 2024
- by @peoplesbalita
NAGING susi ng Barangay Ginebra ang sapat na pahinga at tamang preparasyon.
Bukod pa rito ang matinik na shooting ni import Justin Brownlee sa three-point at four-point range.
Ang resulta nito ay ang 122-105 paglasing ng Gin Kings sa San Miguel Beermen sa Game One ng Season 49 PBA Governors’ Cup semifinals series kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Tumapos si Brownlee na may 33 points tampok ang limang four-pointers at tatlong triples para sa 1-0 lead ng Ginebra sa kanilang best-of-seven showdown ng SMB.
“I felt that I’m in a good rhythm, so I just tried to be aggressive in taking those shots that was presented to me,” sabi ni Brownlee.
Nagdagdag si Stephen Holt ng 30 markers para sa Gin Kings, habang may 13 at 10 points sina rookie RJ Abarrientos at Scottie Thompson, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan ni import EJ Anosike ang Beermen sa kanyang 27 points kasunod ang 18 markers ni Marcio Lassiter.
Nag-ambag si eight-time MVP June Mar Fajardo ng 16 points.
Mula sa dikitang 63-58 halftime lead ay humarurot ang Gin Kings sa 71-60 sa kaagahan ng third period bago ibaon ang Beermen sa 97-76.
-
Media security, “best done” sa pakikipag-ugnayan sa newsrooms-CHR
PINAALALAHANAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang law enforcement agencies na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamahayag sa pamamagitan ng “necessitates a careful balance in respecting individual and collective rights”. Sa isang kalatas, sinabi ng CHR na welcome sa kanila ang naging direktiba na ihinto at imbestigahan ang napaulat na “Unannounced police […]
-
BEA at SUNSHINE, pinagpipilian ng netizens na perfect na bida sa ‘Doctor Foster’ bukod kay JUDY ANN
MAY inilabas ang Dreamscape Productions na teaser ng silhouette ng aktres na gaganap na bida sa adaptation ng ABS-CBN sa Doctor Foster na original sa British Television at na-adapt na ng ibang bansa. Ang huli na nag-adapt nito ay ang South Korea pinagbidahan ng actress na si Kim Hee-ae na nanalong Best Actress […]
-
LRT 1 Cavite Extension matatapos sa 2031
ISANG opisyal ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang operator ng Light Rail Transit Line 1, ang nagsabing sa taong 2031 pa matatapos ang Transit Line 1 (LRT1) Cavite Extension. “For Phase 2 and 3, we are having meeting with the Department of Transportation (DOTr) to be able to commence the construction. […]