GINANG HULI SA PABAHAY SCAM
- Published on February 16, 2022
- by @peoplesbalita
INARESTO sa isang entrapment operation ang isang 52-anyos na ginang matapos nangikil ng pera sa kanyang biktima kapalit ng isang unit ng bahay sa National Housing Authority (NHA) sa Naic, Cavite Lunes ng hapon sa Naic, Cavite.
Kasong Estafa thru fraud ang kinakaharap ng suspek na si Jesusa Austral y Queyquet, may-asawa ng Igahara Resort, Brgy., Calubcob, Naic, Cavite dahil sa reklamo ni Cristal Jane Lacsa y Libres, 21, dalaga at stay in sa Barracks, Sitio Walong Butas, Brgy., Calubcob, Naic, Cavite.
Sa ulat ni PSSgt Rodrigo Veloso III ng Naic Police Station, dakong alas-3:16 kamakalawa ng hapon nang inaresto ang suspek sa aktong tinatanggap nito ang bayad para umano sa “prioritization” sa kanyang aplikasyon sa pabahay sa Brgy Ibayo, Silangan, Naic, Cavite.
Nauna dito, December 28, 2021 nang binigyan ng biktima ang suspek ng P10,000 kapalit ng pangakong magkakaroon siya ng isang unit na bahay ng National Housing Authority (NHA) sa Brgy Calubcob, Naic, Cavite.
Gayunman, noong January 20 ng kasalukuyang taon nang napadaan ito sa LGU, Naic Cavite at tinanong hinggil sa kanyang aplikasyon ng pabahay at dito niya natuklasan na walang awtorisasyon ang suspek para mag-process nito.
Nitong February 13, nakipagkita ulit ang suspek sa biktima at humihingi ulit ng karagdagan P6,000 para umano sa prioritization ng kanyang aplikasyon sa NHA. Sinabi ng biktima na tatawagan ito kung magkakaroon siya ng pera.
Dito na nakipag-ugnayan ang biktima sa pulisya kung saan ikinasa ang entrapment operation sa Brgy Ibayo, Silangan, Naic Cavite kung saan naaresto ang suspek sa aktong tinatanggap nito ang boodle money. (GENE ADSUARA)
-
“Too late” na ang Pinas na magpatupad ng travel ban laban sa Indonesia, pinalagan ng Malakanyang
PINALAGAN ng Malakanyang ang pahayag ng mga kritiko ng administrasyong Duterte na “too late” na o nahuli na ang Pilipinas sa pagpapatupad ng travel ban laban sa Indonesia na napaulat na may maraming kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw. “Hindi naman po too late ‘yan kasi meron naman po tayong datos ng […]
-
DOLE, NAKATAKDANG DESISYUNAN ANG WAGE HIKE PETITIONS
INAASAHAN na raw na maglalabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng kanilang desisyo nsa mga wage hike petitions sa lalong madaling panahon. Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez, posibleng sa mga susunod na mga linggo ay may desisyon na rito ang RTWPB. Aniya, […]
-
ROLLOUT NG PFIZER COVID-19 VACCINES, SINUMULAN NA SA NAVOTAS
NAGSIMULA na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Lunes ng inoculation sa mga rehistradong residente at mga manggagawa sa ilalim ng A2 at A3 priority group ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines. Ang Navotas ay nakatanggap ng 1,170 vials, bawat isa ay naglalaman ng anim na doses, mula sa unang batch ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines […]