Ginang kulong sa P200K droga sa Valenzuela
- Published on September 14, 2024
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang 58-anyos na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang madakip ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City.
Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Malou”, 58, ng Brgy. Rincon.
Ayon kay Col. Cayaban, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave ang suspek sa kahabaan ng Pasolo Road, Brgy. Pasolo matapos umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ani SDEU chief P/Capt. Joan Dorado, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 32 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P217,600.00, buy bust money na isang P500 bill at walong P1,000 boodle money, coin purse at P200 recovered money.
Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang SDEU hinggil sa umano’y illegal drug activities ng suspek kaya ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.
Sinabi ni PMSg Ana Liza Antonio, sasampahan nila ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, at 11 sa ilalim ng Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Cayaban at ang kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (Richard Mesa)
-
Top 6 most wanted person ng Mandaon, Masbate nalambat sa Valenzuela
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaki na nakatala bilang top 6 most wanted sa bayan ng Mandaon, Masbate matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Mario Rubis, 43, tubong Mandaon, Masbate at residente ng […]
-
‘No window hours’ sa number coding, ‘fake news’ – MMDA
NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na walang katotohanan ang kumakalat na larawan na nagsasabing may bagong iskedyul sa umiiral na Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila. Sa post ng MMDA sa kanilang Facebook page, sinabi nito na maling impormasyon ang kumakalat […]
-
UK, gusto ang mas maraming Filipino nurse — PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hiniritan siya ng United Kingdom (UK) kung saan ay tinanong siya kung makapagpapadala ang Pilipinas ng mas maraming health workers doon. Tinukoy ng UK ang mahalagang naging ambag ng mga health workers laban sa Covid-19. Sa naging panayam kay Pangulong Marcos sa sidelines ng […]