• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GINANG PATAY SA TREN

NASAWI ang isang ginang nang mahagip at makaladkad nang rumaragasang tren ng Philippine National Railways  (PNR)  sa Paco, Maynila Huwebes ng gabi.

 

 

Kinilala ang biktima na si Dahlia Barcelon y Dela Merced, 55, nakatira sa  1780 Mulawin Alley Peralta Street, Sta Mesa Maynila .

 

 

Sa imbestigasyon ng Manila Traffic and Enforcement Unit, binabagtas ni Barcelon  sakay ng kanyang electronic bike ang kahabaan ng westbound ng Dr ML Carreon Street dakong alas- 6:30 kagabi nang pagsapit sa  Laura Street, Railroad Crossing Paco, Maynila , nang nahagip siya  ng tren na may body number na  EMU 5 Del 917  patungong northbound .

 

 

Ang biktima ay nakaladkad ng ilang metro na nagresulta ng agaran nitong ikinamatay.

 

 

Dinala ang labi ng biktima sa Manila Islamic Cemetery & Cultural Hall para sa safekeeping. (Gene Adsuara)

Other News
  • PBBM, gustong baguhin ang pagtutok sa general public health sanhi ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit

    NAIS ni  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na baguhin ang pagtutok sa mga alalahanin na may kinalaman sa general public health  bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit maliban sa  COVID-19 sa bansa.     Nabanggit ng Pangulo ang bagay na ito sa pakikipagpulong nito kay World Health Organization director general Dr. […]

  • Saclag asam makapasok sa gold medal round

    PIPILITIN  ni Pinoy bet Jean Claude Saclag na makausad sa gold medal round ng men’s kickboxing sa pagharap kay Vu Truong Giang ng host Vietnam sa 31st Southeast Asian Games ngayon sa Bac Ninh province gymnasium.     Nakatiyak na ng bronze medal ang 2019 Manila SEA Games champion matapos umabante sa semifinals ng men’s […]

  • ARJO, representative ng Pilipinas sa‘Asian Academy Creative Awards’

    NAGULAT si Arjo Atayde dahil siya ang napiling representative ng Pilipinas sa December’s Grand Awards and Gala Final sa kategoryang Best Actor in a Lead Role sa katatapos na Asian Academy Creative Awards 2020 National winner para sa iWant Original series na Bagman.   Nang mapanood ang unang sea- son ng Bagman ni Arjo ay […]