• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginawan ng isyu ang pagbabalik-‘Pinas: KRIS, imposibleng papasukin ang pulitika dahil sa kalagayan

MAY gumawa na naman ng isyu kaugnay sa pagbabalik ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa Pilipinas.

 

Ang sabi kaya raw umuwi ng Pilipinas si Kris ay may kaugnayan daw sa nalalapit na 2025 midterm elections.

 

Sa talk show na “Showbiz Now Na” ay may binanggit si Nay Cristy Fermin ang nasasagap niya umanong tsika tungkol kay Kris.

 

“A few days before umuwi siya, marami na pong naglalabasan sa social media—maging sa mga pahayagan—na pinaghahandaan daw po ni Kris Aquino ang election dito sa Pilipinas kaya kailangan niyang umuwi talaga ng September,” banggit pa ni Nay Cristy.

 

Kaya raw naglabasan ang nasabing isyu dahil sa nagkataon na election period ang pag-uwi ni Kris sa Pilipinas.

 

Nag-umpisa na ang filing of candidacy last Monday Oct. 1, 2025 para sa midterm elections.

 

Sa totoo lang wala na po sa isip at puso ni Kris Aquino ang mundo ng pulitika.

 

“Sabi nga nila, si dating Pangulong Noynoy [Benigno Aquino III] na namayapa ang pinakahuling Aquino na lalahok sa kanilang magkakapatid [sa pulitika],” Dagdag banggit pa ni Nay Cristy.

 

Sa totoo lang din naman sa kalagayan ngayon ni Kris mahirap paniwalaan na papasukin pa ni Kris ang pulitika.

 

Matatandaang sa pamamagitan ng isang Instagram post ay ibinahagi ni Kris na mayroon daw siyang anim na confirmed autoimmune conditions: autoimmune thyroiditis, chronic spontaneous urticaria, Churg Strauss, systemic sclerosis, lupus, at rheumatoid arthritis.

 

***

 

NAMAALAM na ang music icon na si Coritha last last Friday September 27.

 

Ang malungkot na balita ay ibinahagi ni Julius Babao sa kanyang YouTube vlog kung saan nakapanayam niya mismo ang partner nitong si Chito Santos.

 

Ilang araw namin siyang binabantayan hanggang saa humina na siya nang humina. E ayoko namang patagalin pa dahil nga lalo lang siyang mahihirapan,” sambit pa ng asawa ni Coritha.

 

***

 

USAP-USAPAN ang inilabas na larawan na kung saan kasama nina Sam Milby at Julia Montes ang isang batang babae na nasa edad na five years old.

 

Kuha ang nasabing larawan nang dumating sila sa airport ng Puerto Princesa, Palawan noon pang Setyembre 17.

 

Papunta sa taping ng “Saving Grace na pagbibidahan nina Julia at Sam.

 

Ang mga nasabing larawan ay nasa post ng Dreamscapeph Instagram account kahapon, Setyembre 28 na pinik-ap ng ilang showbiz website at napagkamalang anak nina Julia at Coco Martin ang batang babae na si Zia Grace.

 

Ang caption ay, “Julia Montes, Zia Grace, and Sam Milby received a warm welcome as they arrived in Puerto Princesa to shoot for their upcoming series, ‘Saving Grace’!”

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Sa gitna ng pagso-shoot ng movie: DENNIS at JENNYLYN, nagawa pa ring maplano ang birthday party ni DYLAN

    SA gitna nang pag-shoot ng pelikula nila Jennylyn Mercado and Dennis Trillo, nagawa pa rin nilang maplano ang 2nd birthday party para sa kanilang unica hija na si Dylan.       Sesame Street ang theme ang birthday party ni Dylan at nag-pose pa sina Jen at Dennis suot ang costume ng Moonbugs na sina […]

  • Pope Francis nanawagan ng ceasefire sa nangyayaring gyera sa Hamas-Israel

    MULING  nanawagan si Pope Francis nitong Linggo na wakasan na ang labanan ng Hamas-Israel, hinihimok ng Santo Papa na palayain na ang mga hostage at payagan na ang huminatarian aid para sa Gaza. Ayon kay Pope Francis matapos ang traditional Angelus prayer sa Saint Peter’s Square sa Rome, patuloy niyang iniisip ang seryosong sitwasyon ngayon […]

  • Kaabang-abang ang special guests sa Season 2: MIGUEL, ipinagmamalaki ang pilot episode ng ’Running Man PH’

    IPINAGMAMALAKI ni Miguel Tanfelix ang pilot episode ng ‘Running Man Philippines Season 2.’     “Proud ako sa naging outcome ng Running Man dahil unang-una, pinaghirapan po namin and pangalawa, masaya po kami noong buong 43 days,” saad ni Miguel.     Happy rin si Miguel dahil may bagong pamilya nabuo na kasama siya; solid […]