• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginebra coach Tim Cone kinuhang assistant coach ng Heat sa NBA Summer League

ITINUTURING ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone bilang isang hamon ang pagkakapili sa kaniya bilang coaching staff ng Miami Heat sa NBA Summer League.

 

 

Sinabi ng beteranong coach na inimbitahan siya ng Heat sa summer league game na magsisimula sa Hulyo sa San Francisco at Las Vegas.

 

 

Magiging bahagi ito sa coaching staff ni Malik Allen na siyang mamumuno sa Summer League Team.

 

 

Bibisita lamang ng ilang araw si Filipino-American Heat coach Erik Spoelstra sa mga laro ng kaniyang koponan.

 

 

Si Cone at Spoelstra ay magkaibigan kung saan makailang beses na sila nagkita sa US noong naghahanap ng mga import si Cone sa kaniyang koponan.

 

 

Unang makakaharap ng Heat ang Boston Celtics sa Hulyo 9.

 

 

Noong nakaraang taon ay napili naman si PBA legend Jimmy Alapag na maging assistant coach ng Sacramento Kings na nagwagi ng Summer League title.

 

 

Naging bahagi rin si Alapag sa coaching staff ng Stockton Kings sa NBA G League.

Other News
  • Wall of heroes, itinatayo na sa Libingan ng mga Bayani- PDu30

    NAKIISA at pinangunahan ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagdiriwang ng ika-123 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Philippine Independence “Kalayaan 2021: Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan’ Malolos City, Bulacan.   Sa nasabing seremonya, ibinalita nito na mayroon nang itinatayo na “wall of heroes” sa Libingan ng mga Bayani.   Pumayag  kasi […]

  • Tanggap na gusto nang makasama ang amang si FPJ… Sen. GRACE, nagsalita na tungkol sa biglang pagpanaw ng ina na si SUSAN

    NAGSALITA na si Sen. Grace Poe tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina, ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces noong nakaraang May 20.     Ayon sa senadora, nabigla raw silang lahat sa pagmamaalam ng kanyang ina. Pero tanggap naman daw nila ang nangyari dahil gusto na raw nitong makasama ang kanyang […]

  • CHYNNA, nag-tweet na para matuldukan kung sino man ang gumagawa ng tsismis na COVID-19 positive ang buong pamilya

    NA–TSISMIS or may nagtsi-tsismis pala na kesyo may COVID-19 daw ang buong pamilya ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.     Meaning, si Chynna, ang mister niya na si Kean Cipriano at ang dalawang anak nina na sina Stellar at Salem.           Hindi pa namin nakakausap si Chynna habang isinusulat ‘to kaya […]