• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginebra hindi nagpaiwan sa Bolts 91-87

PINATIKIM ng Barangay Ginebra ang kanyang beteranong karanasan sa paglalaro laban sa Meralco Bolts 91-87 sa huling laro ng eliminations ng PBA 49th Season Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.
Mayroon ng walong panalo at apat na talo ang Gins kung saan tabla na sila ng Converge sa ikatlong puwesto.
Habang ang Bolts ay mayroong pitong panalo at apat na talo kung saan mayroon pa silang isang laro kontra sa Magnolia sa araw ng Biyernes.
Bumida sa panalo ng Ginebra si RJ Abarrientos na nagtala ng 17 points habang mayroong 15 points si Justin Brownlee at 13 points si Stephen Holt.
Naging malaking hamon naman sa Bolts ang laro dahil sahindi paglalaro ng kanilang import na si Akil Mitchell dahil sa back spasm.
Inamin naman ni Ginebra coach Tim Cone na naghahanda na ang kaniyang koponan para sa playoffs.
Hindi naman umubra ang nagawang 15 points ni CJ Cansino at 13 points, 13 rebounds naman ni Raymond Almazan para sa Bolts.
Other News
  • Lahat ng security measures, gagamitin para sa inagurasyon ni BBM-DILG

    HANDANG-HANDA na ang puwersa ng estado para sa posibleng mangyaring panggugulo at banta mula sa makakaliwang grupo dahil pinaigting ang security measures sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong’’ Marcos Jr. sa  National Museum sa Hunyo 30.     Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, magiging aktibo ang Manila […]

  • Pingris handang tulungan ang FEU

    HANDA si Marc Pingris na tulungan ang Far E­astern University (FEU) Tamaraws sa kampanya nito sa UAAP men’s basketball tournament.     Inimbitahan ng pamu­nuan ng unibersidad si Pingris na maging bahagi ng coaching staff upang mas lalong mapalakas ang Tamaraws sa mga susunod na edisyon ng UAAP.     “Handa naman ako pero pag-uusapan […]

  • Gawilan lalangoy, pasok sa Tokyo Para Games

    MAY panlaban rin ang Philippine Team sa 2020 Tokyo Para Olympics matapos makasungkit ng slots si swimmer Ernie Gawilan matapos maabot ang kinakailangang puntos para mapasabak sa quadrennial meet na nakatakda sa Agosto 25 hanggang Setyembre 6.   Nakalap ni Gawilan ang Olympic points bunsod nang matikas na kampanya sa 2018 Asian Para Games sa […]