• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginebra nakuha ang kampeonato ng PBA Governors’ Cup matapos ang panalo sa Game 6 vs Bolts

NAKUHA  muli ng Barangay Ginebra ang kampeonato ng PBA Governor’s Cup finals matapos na ilampaso ang Meralco Bolts 103-92.

 

 

Nadomina ng Ginebra ang best of seven finals ng makalamang sa serye ng 4-2.

 

 

Sa pagtatapos ng second quarter ay naging tabla pa sa 47-all ang laro.

 

 

Dito na umarangkada sina Justine Brownlee at Scottie Thompson sa pagpasok ng third quarter.

 

 

Nagtapos ng kabuuang 24 points at 16 na rebounds si Brownlee kasabay ng kaniyang ika-34 na kaarawan.

 

 

Naitala naman ng veteran guard na si LA Tenorio ang game-high na 30 points habang mayroong 19 points at 13 rebounds si Christian Standhardingers, samantalang nagdagdag ng 15 points si Thompson.

Ito na ang pang-apat na pagkatalo ng Bolts sa paghaharap nila sa finals ng karibal na Barangay Ginebra.

Other News
  • ‘Di na sila maaapektuhan pag may lumabas na isyu: TONTON, itinangging ‘on the rocks’ ang relasyon nila ni GLYDEL

    NANGUNGUNA sa listahan ng mga kontrobersiya sa showbiz ang tungkol sa hiwalayan ng mga mag-asawa at magkarelasyon.     Tulad ng balita, na wala pang kumpirmasyon, na hiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, at ang much-talked about hiwalayan nina Kathryn Bernado at Daniel Padilla.     Nakabitin pa rin ang isyu tungkol kina […]

  • Assassination plot laban sa VP, peke

    IBINASURA ng isang mambabatas ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte na may assassination threat sa kanya.       Ayon kay Assistant Majority Leader Jude Acidre, peke ang alegasyon na ito batay na rin sa pahayag nina Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Francel Padilla at Philippine National Police (PNP) spokesperson Police […]

  • Mga proyektong may kinalaman sa crime monitoring activities, irerekomenda ng DILG

    IREREKOMENDA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa incoming officials ng departamento ang mga proyektong may kaugnayan sa crime monitoring activities.     “Nasa sa kanila na po ‘yun kung gusto nilang ipagpatuloy pero highly recommended po ‘yun, kung nasimulan lang sana ng maaga nung 2019 dapat patapos na ‘yan today,’’ayon kay […]