• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginebra nakuryente sa Meralco

PINALAKAS ng Meralco ang kanilang pag-asa sa quarterfinals matapos basagin ang Barangay Ginebra, 90-73, sa 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Kumolekta si Chris Newsome ng 18 points, 7 rebounds, 4 assists at 2 steals para sa 5-3 record ng Bolts tampok ang dalawang sunod na panalo.

 

 

Nag-ambag si Chris Banchero ng 17 markers at may 14 at 10 markers sina Cliff Hodge at Bong Quinto, ayon sa pagkakasunod.

 

 

“It was nice to see guys chip in for a win,” sabi ni assistant coach Luigi Trillo na pansamantalang humalili kay coach Norman Black. “We’re trying to get multiple guys to contribute.”

 

 

Ito ang ikalawang dikit na kamalasan ng Gin Kings na nagbaba sa kanilang kartada sa 6-3.

 

 

Pinalobo ng Meralco ang kanilang kalamangan sa pagtatapos ng third period, 72-50, mula sa 51-33 halftime lead.

 

 

Sinubukan ng Ginebra na makabalik sa laro makaraang makalapit sa 71-84 agwat mula sa basket ni Scottie Thompson sa huling 2:06 minuto ng fourth quarter.

 

 

Ngunit umiskor si Newsome para ilayong muli ang Bolts sa 86-71 para pigilan ang Gin Kings sa natitirang 1:44 minuto ng laban.

 

 

Samantala, diniskaril ng Rain or Shine ang pag-usad ng Blackwater sa quarterfinals matapos kunin ang 107-90 panalo.

 

 

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng Elasto Painters matapos ang six-game losing skid para sa kanilang 3-6 marka at makasilip ng tsansa sa quarterfinals.

 

 

Nagtala si Rey Nambatac ng 26 points, 7 re­bounds, 4 assists at 2 steals habang may 20, 12 at 10 markers sina rookie Gian Mamuyac, Beau Belga at Gabe Norwood, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Nalaglag ang Bossing sa kanilang ikalawang dikit na pagkatalo para sa 5-3 marka matapos humataw ng four-game winning streak.

Other News
  • Football star Cristiano Ronaldo may mahigit 1-B followers na

    PANIBAGONG record na naman ang naitala ng football star na si Cristiano Ronaldo.     Umabot na kasi sa kabuuang isang bilyon ang kaniyang followers sa kaniyang iba’t ibang social media accounts.     Ang nasabing bilang ay mula sa lahat ng kaniyang social media accounts.     Itinuturing na siya lamang ang unang katao […]

  • 14 mula sa 57 priority bills ng administrasyong Marcos, naisabatas na

    NAISABATAS na ang 14 mula sa 57 priority bills ng administrasyong Marcos.     Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa katatapos lamang na pagpupulong ng ika-apat na Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Marso 19.       Kabilang naman sa mga priority bills na […]

  • Balik ECQ ang NCR simula Aug.6 hanggang Aug.20 – IATF

    Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) simula August 6 hanggang 20, 2021.     Ito ay dahil pa rin sa banta ng COVID -19 delta variant na nakapasok na sa bansa at naitala na ng Department of […]