• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Giyera sa semis simula na

Mula sa 12 koponang pumasok sa PBA ‘bubble’ ay tanging ang Barangay Ginebra, Meralco, TNT Tropang Giga at Phoenix na lamang ang natira.

 

Didribol ang best-of-five semifinals series ng apat na koponan para sa hangaring makapasok sa Finals ng 2020 PBA Philippine Cup.

 

Lalabanan ng Gin Kings ang Bolts ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Tropang Giga at Fuel Masters sa alas-3:45 ng hapon sa Game One ng kani-kanilang semis duel sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

 

Dinomina ng Ginebra ang Meralco sa tatlong beses nilang upakan sa PBA Governor’s Cup Finals.

 

Tinalo ng Gin Kings ang Bolts, 105-91, sa elimination round noong Oktubre 18 na tinampukan ng 20 points ni 6-foot-8 wingman Japeth Aguilar.

 

“Japeth has been pla­ying great basketball so luckily we have a guy that we can match up with him most of the time which will probably give us a better chance of winning games,” sabi ni Meralco head coach Norman Black sa kanilang 6’8 center na si Raymond Almazan.

 

Kumpiyansa naman si Phoenix mentor Topex Robinson sa kanilang tsansa laban sa TNT Tropang Giga ni coach Bong Ravena.

 

“We are always going to be the best version of ourselves and we are going to take our chances against Talk ‘N Text (TNT),” sabi ni Robinson sa kanyang Fuel Masters na yumukod sa Tropang Giga, 91-110, sa eliminasyon noong Oktubre 19.

 

Ito ang unang paghaharap nina Calvin Abueva ng Fuel Masters at Tropang Giga star guard Ray Ray Parks Jr. matapos ang insidente noong Mayo 21, 2019 na isa sa mga na­ging dahilan ng pagkakapataw ng PBA sa ‘The Beast’ ng indefinite suspension.

 

“Magandang match-up ito. Maraming nag-aabang niyan,” sabi ni Abueva, ang 2013 PBA Rookie of the Year, na nakabalik sa PBA matapos ang 16 buwan na suspensyon.

Other News
  • PBBM, hangad na palakasin ang bilateral ties sa kanyang China trip

    LAYON ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas palakasin pa ang bilateral ties ng Pilipinas sa China sa kanyang  state visit sa Beijing, simula Martes, Enero 3.     Kabilang dito ang pakikipag-usap sa aspeto ng kooperasyon lalo na  sa larangan ng ekonomiya, kalakal at pamumuhunan at maritime security. Para sa  Department of Foreign Affairs, […]

  • Sandra Cam dawit sa kasong murder – NBI

    Nirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkaso ng murder kay Philippine Charity Sweepstakes board member Sandra Cam, kasama pa ang anak nito, sa pagpaslang kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.   Dawit din sa kasong murder sina Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna at Rigor dela Cruz, na […]

  • Fajardo lalaro pa rin para sa ‘Pinas

    PATUNGO na sa United States 41st National Collegiate Athletic Association (NCAA) 2021-22 Division I school na Fairleight Dickinson University Knights si Ella Patrice Fajardo, pero tiniyak nahindi niya tatalikdan ang paglalaro pa rin para sa Gilas Pilipinas sa hinaharap.   “Honestly, the feelings that I have for the Philippines like I know for a fact that […]