• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gladys, kinabog ang magpinsang Kylie at Bela: ROMNICK at ELIJAH, parehong pinarangalan at naghakot ng awards ang ‘About Us But Not About Us’

TULAD ng inaasahan humakot ng 10 awards ang pinupuring psychological drama na “About Us But Not About Us” sa Gabi ng Parangal ng first-ever Summer Metro Manila Film Festival (SMMFF) na ginanap noong April 11 sa New Frontier Theater.

 

 

Ang pelikulang pinagbidahan nina Elijah Canlas at Romnick Sarmenta ang tinanghal na Best Picture, Best Director and Best Screenplay para kay Jun Robles Lana.

 

 

Si Romnick ang nag-uwi ng Best Actor na kung saan mahigpit niyang nakalaban si Elijah na pinarangalan naman ng Special Jury Prize, dahil sa mahusay din niyang pagganap.

 

 

Sa 11 nominations ng “About Us But Not About Us” natalo lang ito sa Best Float na napunta sa “Love You Long Time, na nagwagi naman ng Second Best Picture.

 

 

Ang comedy film na “Here Comes The Groom” ay nanalong Third Best Picture at binigyan din ng Special Jury Prize.

 

 

Nakuha rin ng pelikula ang Best Supporting Actress para kay KaladKaren, naging emosyonal sa kanyang speech dahil hindi siya makapaniwala. Nakapanghihinayang naman na si Keempee de Leon lang ang wala para tanggapin ang kanyang Best Supporting Actor award.

 

 

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo:

• Best Picture – About Us But Not About Us
• 2nd Best Picture – Love You Long Time
• 3rd Best Picture – Here Comes the Groom
• Jury Prize – Here Comes the Groom
• Jury Prize – Elijah Canlas, About Us But Not About Us
• Best Actress – Gladys Reyes, Apag
• Best Actor – Romnick Sarmenta, About Us But Not About Us
• Best Director – Jun Robles Lana, About Us But Not About Us
• Best Supporting Actor – Keempee de Leon, Here Comes the Groom
• Best Supporting Actress – KaladKaren, Here Comes the Groom
• Best Screenplay – About Us But Not About Us
• Best Cinematography – About Us But Not About Us
• Best Editing – About Us But Not About Us
• Best Production Design – About Us But Not About Us
• Best Original Theme Song – “Paralaya”, Apag
• Best Musical Score – About Us But Not About Us
• Best Sound Design – About Us But Not About Us
• Best Float – Love You Long Time

 

***

 

WAGING Best Actress nga ni Gladys Reyes para sa “Apag” at tinalo ang magpinsan na Kylie Padilla (“Unravel”) at Bela Padilla (“Yung Libro Sa Napanuod Ko”) na parehong magaling sa kani-kanilang pelikula.

 

Pero hindi naman matatawaran ang galing na pinamalas ni Gladys sa “Apag” ni Brillante Mendoza na pinagbidahan ni Coco Martin, na kung saan nakatanggap siya ng mga papuri sa mga nakapanood.

 

Pero sabi ni Gladys na hindi na siya umasang mananalo, “napanood ko pareho ang movie nila (Unravel at ‘Yung Libro na Napanood Ko), sabi ko, ‘iba ‘yung galing ni Kylie, iba rin ang galing ni Bela. Talagang kanina, wala na akong in-expect.”

 

Sabi pa ng premyadong aktres, “Kinakabahan nga ako, baka hindi ako ma-nominate. Tapos wala ang pangalan ko sa best supporting actress, nandun kaya ako sa best actress? Hindi kasi malinaw sa akin kung saan category ako papasok.”

 

 

Ito pala ang first acting award ni Gladys in a leading role, “first ko ito sa pelikula. Sa Urian naman, best supporting actress ako para sa ‘Magkakabaung’ na Kapangpangan film din tulad nitong ‘Apag’, mukhang may suwerte ako sa ganitong film.”

 

Malaki rin ang pasasalamat ni Gladys sa press people na nagsulat at nag-promote ng movie nila, at panawagan niya na sana ay mas marami ang makapanood ng 8 entries ng 1st Summer MMFF na magtatapos na sa April 18.
Suportahan po natin ng Pelikulang Pilipino, Mabuhay!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mas marami sanang namatay na health workers kung hindi bumili ng medical supplies ang pamahalaan mula sa Pharmally- Sec. Roque

    SINABI ng Malakanyang na mas marami sanang namatay na health workers sa gitna ng COVID-19 pandemic kung hindi bumili ang gobyerno ng medical supplies mula Pharmally Pharmaceutical Corporation.   Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay bilang pagdepensa sa naging desisyon ng pamahalaan na bumili ng medical supplies mula Pharmally, ilang araw […]

  • Ads May 6, 2023

  • 2 tulak isinelda sa P139K shabu sa Valenzuela

    SA loob ng kulungan nagdiwang ng Pasko ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.     Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLt Col. Renato Castillo ang naarestong mga suspek bilang sina […]