• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GLAIZA, personal na tinanggap ang Best Film award ng TOHORROR Fantastic Film Festival para sa movie na ‘Midnight In A Perfect World’

KASALUKUYANG pinapasyalan ng engaged couple na sina Glaiza de Castro at David Rainey ang different places sa Italy para sa kanilang pre-nuptial shoots sa nalalapit nilang wedding.   

 

 

At isa sa napuntahan nila at ipinost ni Glaiza sa Instagram niya ang Como, Italy, the same places kung saan doon nag-shoot ng kanilang first movie ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza in 2016, ng Imagine You & Me.

 

 

Tamang-tama namang nandoon sina Glaiza nang tawagan siya ng filmmaker-director niyang si Dodo Dayao, ng movie nilang Midnight in A Perfect World dahil ang horror film nila ang nanalo ng Best Film award sa TOHORROR Fantastic Film Festival in Italy.

 

 

Pinakiusapan ni Direk Dodo na si Glaiza na ang tumanggap ng award nila.  Kaya Glaiza took pride in accepting the award and presenting the  team behind the critically acclaimed local horror film.

 

 

Ang Midnight in a Perfect World ay unang ipinalabas sa QCinema International Film Festival in 2020.  Kasama ni Glaiza sa movie sina Jasmine Curtis-Smith, Dino Pastrano, Anthony Falcon, Bing Pimentel at Soliman Cruz,

 

 

***

 

 

NGAYON nalalapit na ang national election sa 2022, kapansin-pansin na ang daming artista at celebrities na pumapasok din sa pulitika.

 

 

Kaya natanong si Snooky Serna, sa interview sa bago niyang GMA Afternoon Prime na Stories of the Heart: Never Say Goodbye, kung wala bang nag-alok sa kanyang subuking pasukin ang mundo ng pulitika?

 

 

Natanong siya dahil ang karelasyon ngayon ni Snooky ay si former Bulacan Vice-Governor Ramon Villarama, na tatakbo muli ngayong eleksiyon, bilang Congressman sa District 6 ng Bulacan, sa Norzagaray, Sta. Maria at Angat.

 

 

“Masaya na ako sa pagiging artista, ito  na ang mundo ko,” sabi ni Snooky.

 

 

“Susuportahan ko na lamang siya, I will give my moral support sa kanyang magandang adhikain para sa kanyang mga nasasakupan.

 

 

Thankful naman si Snooky sa magandang role na ibinigay sa kanya sa bago nilang serye at first time niyang nakasama sina Klea Pineda, Jak Roberto, Lauren Young, Luke Conde at Herlene Budol.

 

 

Napapanood ito Monday to Friday after Las Hermanas, sa GMA-7.

 

 

***

 

 

ISINABAY na ni Kapuso actress Heart Evangelista sa last leg ng lock-in taping day nila ng GMA romantic-comedy series na I Left My Heart In Sorsogon para i-vlog ito titled “Week in my Life: Shooting ‘I Left My Heart in Sorsogon.’

 

 

Nakatutuwa lamang si Heart na hindi yata napapagod sa pagpapalit-palit niya ng wardrobe, tuwing matatapos ang isang eksena, na hindi biro iyong inaakyat niyang ilang steps papunta at pababa sa room niya, wearing high heels.

 

 

Isa siyang fashion model sa story na umuwi sa native place niya sa Bicol, at naisuot daw niya ang mga clothes na bigay sa kanya na hindi niya naisuot dahil nagka-pandemic. Hindi rin kinalimutang ipakita ni Heart ang two things na lagi raw niyang dala-dala saan  man siya pumunta, ang tiger balm at mosquito repellent, na she cannot live without them.

 

 

Kasama na rin sa vlog niya ang promo and photo shoots niya with Richard Yap, Paolo Contis, Mavy Legaspi, Kyline Alcantara and other members of the cast.

 

 

Tinapos na nila lahat ang dapat gawin para sa serye dahil malapit nang mapanood sa GMA Telebabad ang romcom series this November, 2021.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Robredo natuwa sa muling paglipat sa kanila ng ex-Isko Moreno supporters

    POSITIBO ang naging pagtanggap ng kampo nina 2022 presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo sa pag-endorso sa kanila ng iba pang nasa liderato ng Ikaw Muna (IM) Pilipinas, na dating sumusuporta sa kandidatura ng katunggaling si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.     Martes lang kasi nang ilipat nina Tim Orbos at Elmer […]

  • Natatanging community vegetable garden sa Bulacan, pinarangalan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang pagpaparangal sa mga Natatanging Community Vegetable Garden sa ilalim ng 3k: Kabataan, Kalikasan, at AgriKultura Project ng Provincial Agriculture Office (PAO) at Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO) na ginanap sa Balagtas Hall sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod […]

  • 4,000 pulis sa NCRPO, ikakalat para bantay-eleksyon

    NAGPAKALAT  na ng nasa 4,000 pulis ang Natio­nal Capital Region Police Office (NCRPO) upang matiyak ang tagumpay at makamit ang ‘zero election related incidents’ sa panahon ng kampanya ng mga lokal na kandidato simula ngayong Marso 25, 2022.     Ayon kay NCRPO chief, P. Major General Felipe Natividad, handa na ang kapulisan sa pagpapatrulya […]