• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Glass case sa palibot ng Nazereno, planong lagyan

PLANO ng bagong Traslacion committee plan na maglagay ng kahong salamin o glass case sa palibot ng 400 taong gulang na imahe ng Itim na Nazareno para sa pagbabalik ng prusisyon sa Enero 9.

 

 

Isinasagawa na ang preparasyon dahil sa inaasahang pananabik ng mga deboto makaraang matigil ang Traslacion ng tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic .

 

 

Sinabi ni Quiapo Church Parochial Vicar Father Jesus Madrid Jr., na umabot ng milyon ang dumagsa kaya asahan aniyang mas higit pa ang dadagsa sa Enero.

 

 

Ang paghahanda ng komite ay upang maprotektahan ang imahe ng Itim na Nazareno mula sa pagkasira sa pamamagitan ng paglalagay ng kahon na salamin o glass case sa palibot nito ngunit nakalitaw ang bahagi ng krus sa labas para sa mga nagnanais pa rin na makahawak.

 

 

“Iwas akyat ang mga tao o sumampa sa andas natatakpan kasi si Hesus. Historically noon wala namang umakyat o sumasampa. Gusto rin namin ligtas ang prusisyon tendency maapakan tulakan praktikal na dahilan. Maiwasan madumog masira ang imahen,” dagdag ni Father Madrid.

 

 

Iniinspeksyon na rin ngCkomite ang ruta ng prusisyon mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church para sa mga nakalaylay na kable, sanga ng puno at bukas na mga manhole.

 

 

Samantala, magsasagawa ng  “Paghalik” ang Simbahan ng Quiapo sa  Quirino Grandstand mula Enero 6 hanggang Enero 9 matapos ang misa ng alas 6 ng gabi. GENE ADSUARA

Other News
  • Critically-acclaimed Pinoy action film, mapapanood na sa Pasko: ARJO at JULIA, walang itulak-kabigin sa husay nila sa ’Topakk’

    PASABOG ang media con ng action-packed thriller na ‘Topakk’ last Wednesday, December 4, na kung saan ginanap ito sa isang warehouse na M.H. del Pilar St. sa District 1 ng Quezon City.     Naramdaman talaga ng nagsipagdalo sa event, ang replica ng warehouse na malaking bahagi ng pelikula, na kung saan maraming matitinding eksena […]

  • Senator Tulfo binatikos DSWD sa — libu-libong contractual employees

    MARIING binatikos ni Sen. Raffy Tulfo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa libu-­libong social workers na hindi pa rin nare-regular kahit pa halos isang dekada nang nagtatrabaho sa ahensiya.     Sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng DSWD, sinabi ni Sen. Tulfo na maraming kawani ng ahensiya ang magreretiro pero […]

  • Four-day work week sa mga empleyado ng SC, ipatutupad na simula April 4

    IPAPATUPAD na simula sa April 4 ang four-day work week para sa mga emplyeado ng Korte Surprema, kung saan ay pisikal na magtatrabaho ang mga ito sa kanilang opisina sa loob ng apat na araw habang nasa work from home set up naman ang mga ito sa loob ng isang araw.     Alinsunod sa […]