GMA Network, muling humakot sa NYF TV & Film Awards: Docu-program ni ATOM, nakasungkit ng World Gold Medal para sa ‘Batas Bata’
- Published on April 18, 2024
- by @peoplesbalita
TAAS-NOONG nag-uwi ang GMA Network ng pitong medalya – kabilang na ang isang World Gold medal – mula sa 2024 New York Festivals TV & Film (NYF) Awards. Ito ang unang pagkakataong nanalo ang lahat ng shortlisted entries ng GMA.
Sa ginanap na virtual Storytellers Gala nitong April 17 (Philippine time), nakakuha ng anim na medalya ang GMA Public Affairs.
Muling nasungkit ng bi-monthly public affairs program na “The Atom Araullo Specials” ang World Gold Medal para sa dokumentaryong “Batas Bata” (Child’s Game) sa Documentary: Social Justice category. Ipinakita sa episode na ito ang pagsiyasat ni Atom Araullo sa buhay ng mga menor de edad na nasasangkot sa mga krimen at kaguluhan sa Maynila.
Nanalo rin ang “Hingang Malalim” (One Deep Breath) ng “The Atom Araullo Specials” ng Silver Medal sa ilalim ng Documentary: Human Concerns category. Tampok dito ang buhay ng mga Badjao ng Mindanao na ang kabuhayan ay ang pagsisid ng mga perlas.
Nag-uwi naman ng tatlong medalya ang flagship documentary program ng GMA Public Affairs na “I-Witness.”
Nasungkit ng dokumentaryo ni Atom na “Bawat Barya” (The Price of Dreams) ang Silver Medal sa Documentary: Social Issues category. Napanood dito ang kuwento ng dalawang batang lalaki na naghahanap ng mga barya sa maduming tubig pandagdag sa kita mula sa pangangalakal.
Nakakuha naman ng Bronze Medal ang mga dokumentaryong “Boat to School” ni Howie Severino at “Sisid sa Putik” (Rise from the Mud) ni Mav Gonzales.
Ipinapakita sa “Boat to School,” na nanalo sa ilalim ng Documentary: Heroes category, ang buhay ng mga estudyante sa Liaonan, Siargao na kinakailangan pang maglakbay sa dagat para lang makapunta sa eskuwelahan.
Tampok naman sa “Sisid sa Putik,” na nanalo ng Bronze Medal sa Documentary: Community Portraits category, ang lumang tradisyon ng mga residente ng Agusan Del Norte sa pagsisid sa tubig para makakuha ng putik na gagamitin sa pagtatanim ng frog grass.
Umarangkada rin sa global stage ang action-packed series ng GMA Public Affairs na “Black Rider” na nanalo ng Bronze Medal sa Entertainment Program: Drama category. Ito ay pinagbibidahan ni Primetime Action Hero Ruru Madrid.
Nagwagi naman ang dokumentaryo ng GMA Integrated News (GMAIN) na “Sundo: A GMA Integrated News Documentary” ng Bronze Medal sa News Program: News Documentary/Special category. Ito ang kauna-unahang news documentary na handog ng GMAIN 360. Kuwento ito ng mga Pilipinong naipit sa digmaan mula sa mga mata nina veteran journalists Raffy Tima at JP Soriano, at Video Journalist Kim Sorra.
Kinikilala ng New York Festivals TV & Film Awards ang mga content mula sa mahigit 50 bansa. Ang GMA Network ang katangi-tanging local broadcasting company na mayroong shortlisted entries ngayong taon.
Para sa updates sa GMA Network, bisitahin ang www.gmanetwork.com at www.gtv.ph.
(ROHN ROMULO)
-
Tautuaa, Gilas ‘Pinas 3×3 babatak sa ‘Calambubble’
UUMPISAHAN na sa darating ng Linggo ng Gilas Pilipinas national men’s 3×3 basketball team ang ‘Calambubble’ training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang preparasyon sa International Basketball Federation Olympic (FIBA) Qualifying Tournament sa Mayo 26-30 sa Graz, Austria. Magpapatikas ng porma sina Philippine Basketball Association (PBA) stars Moala ‘Mo’ Tautuaa […]
-
BILANG NG MGA NAG-APLAY NG NEGOSYO SA MANILA LGU TUMAAS NG 42%
IBINIDA ng Bureau of Permits kay Mayor Isko Moreno Domagoso na tumaas ng 42% ang nag-aplay ng kanilang mga negosyo sa lungsod ng Maynila sa kabila ng kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19 sa bansa. Ayon kay Bureau of Permits Director Levi Facundo, nasa 911 bagong negosyo ang nagpatala ngayong taon 2021 mula Enero […]
-
Mga pulis na may mga kamag-anak na kandidato sa May 2022 polls ni ‘re-assign’ sa ibang lugar – PNP chief
SINIMULAN na ng Philippine National Police (PNP) ang pag re-assign sa kanilang mga Police personnel na may mga kamag-anak na kandidato sa May 2022 national and local elections. Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, ang nasabing hakbang ay para maiwasan na masangkot sa partisan politics ang kapulisan. Sinabi pa ni […]