Go, nangakong muling ihahain ang batas na magbabalik sa death penalty para sa ilegal na droga, pandarambong
- Published on June 7, 2022
- by @peoplesbalita
HANDA si Senador Christopher “Bong” Go na muling ihain ang batas na magbabalik sa death penalty para sa ilegal na droga at pandarambong sa susunod na Kongreso.
Matatandaang isinulong ni Go ang Senate Bill No. 207, na naglalayong muling ibalik ang death penalty, noong Hulyo 2019.
Subalit, nabigo namang maipasa ang nasabing batas sa 18th Congress.
“We can file it again if we want. Itong SB 207, reinstating the death penalty for certain heinous crimes involving dangerous drugs and plunder,” ayon kay Go sa isang panayam.
Aniya, ang muling pagbabalik ng capital punishment ay alinsunod sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs.
Sinabi pa ni Pangulong Duterte na ang nasabing batas ay makapagdi-discourage ng criminal activities.
“Pag hindi takot ‘yung tao sa mga awtoridad makokorap na naman, balik ang droga, balik ang kriminalidad. Sayang po ‘yung inumpisahan ni Pangulong Duterte,” dagdag na pahayag ng senador.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang pandarambong o illegal acquisition ng yaman ng isang public officials na nagkakahalaga ng P50 milyong piso ay may kaparusahan na kamatayan.
Kasama rin sa batas ang “importation, distribution, and possession of dangerous drugs, cultivation of illicit narcotic plants, and unlawful prescription of dangerous drugs in the list of drug-related crimes.”
Iginiit din ng senador na ang kampanya laban sa ilegal na droga ay “improved peace and order in the country” at “flourished businesses in the communities.”
“Napatunayan naman po in the last six years, tingnan ninyo mas nakakalakad po ang inyong mga anak pauwi sa inyong bahay na hindi nababastos at hindi nasasaktan. Dahil po iyan sa ginawa ng Administrasyong Duterte,” ayon kay Go.
-
PBBM: MDT, CLIMATE CHANGE, TREATY DEALS REVIEW AMONG AGENDA OF US TRIP
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday said his government will seek a review and assessment of the treaty agreements signed between the Philippines and its long-time ally, the United States, as well as enhance partnerships on climate change mitigation and adaptation. “Well, siyempre liliwanagin natin ulit ang talagang mga treaty agreement sa […]
-
Senate building nasa total lockdown: 8 senador na ang sunod-sunod na nagpositibo sa COVID-19
INIUTOS ni Senate President Migz Zubiri ang total lockdown sa Senate building sa Lunes, Aug. 22 matapos na umabot na sa pitong mga senador ang sunod-sunod na nagpositibo sa COVID-19 ngayong buwan. Dahil dito, lahat na mga Senate employees ay pansamantala muna sa kanilang “work from home” upang bigyang daan ang isasagawang disinfection. […]
-
‘Un/Happy For You’ ng JoshLia, higit P100M ang kinita: GERALD, ‘di itatago dahil ipagmamalaki ‘pag ikakasal na kay JULIA
KUNG ilang beses nang naging usap-usapan ang sinasabing pagpapakasal diumano nina Gerald Anderson at Julia Barretto. Sey pa ni Gerald ay hindi raw naman niya itinatago at lalong hindi niya dapat niya ililihim ang paglagay sa tahimik Nila ni Julia. Dagdag pa ng Kapamilyang aktor na kung sakali mang […]