• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Go sa gov’t workers: Mababang sahod di rason sa korupsyon

“Hindi rason ang mababang suweldo para maging corrupt.”

 

Ito ang idiniin ni Senator Christopher Lawrence “Bong’’ Go kasabay ng pagpapayo sa mga kawani ng gobyerno na hindi makuntento sa kanilang suweldo na magbitiw na lang sa serbisyo at ibigay ito sa mga taong nais maglingkod nang tapat sa ating bayan.

 

“Marami pong Pilipino ang gustong magtrabaho ng tapat. Para sa mga hindi kuntento sa pagseserbisyo nang tapat, mas mabuting ibigay n’yo na lang po ang inyong trabaho sa ibang tao na ginugustong magserbisyo sa bayan at hindi ang magpayaman,’’ ani Go.

 

Sa nakaraang Senate inquiry, lumitaw na may ilang empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na humihingi ng lagay o “kotong” sa mga travel agencies o turista na pumapasok sa bansa kahit na walang visas.

 

Ikinatuwiran nila na wala kasi silang overtime pay kasabay ng hiling na itaas ang kanilang sahod.

 

Ngunit ayon kay Sen. Go, “Pumasok tayo sa gobyerno para magserbisyo. Hindi po para yumaman. Hindi rason ang mababang suweldo para maging corrupt. Prayoridad natin ang maglingkod sa tao. Kapakanan ng kapwa Pilipino ang palagi nating unahin.’’

 

Sinabi ng senador na ginagawa ng Duterte administration ang lahat upang matugunan ang pangangailangan at kapakanan ng mga kawani ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng mas maayos na kompensasyon.
“Early this year, President Duterte signed into law the Salary Standardization Law 5, which I authored, increasing the salaries of government civilian employees,’’ aniya.

 

“As to the appeal of Bureau of Immigration employees for increased pay, this administration continues to provide augmentation pay in accordance with the law,’’ dagdag ng senador.

 

Sinabi ng mambabatas mula Davao City na noong 2018 at 2019, nag-isyu ang Office of the President ng Memo Order 24 s. 2018 at Memo Order 39 s. 2019, ayon sa pagkakasunod, na nagpapahintulot na gamitin ang Express Lane Fees bilang suportado sa pasahod sa BI personnel.

 

“And they continue to receive the same this year, subject to certain conditions, as authorized by the General Appropriations Act 2020,’’ ani Go.

 

Itinutulak ng Immigration Officers Association of the Philippines Inc. sa Kongreso na aprubahan na ang nakabimbing panukala na palitan na ang outdated Immigration Act of 1940 o and Salary Standardization Law na magtataas sa salary grade ng BI officers.

 

Tiniyak naman ni Go sa BI employees na suportado niya ang nasabing panukala at hihilingin niya na agad itong maisabatas.

 

‘’Being a worker in government for the past 21 years, I understand what government employees go through,’’ aniya.
“Mahirap maging empleyado ng gobyerno. Malaking sakripisyo ito para sa pamilya dahil hindi ganun kataas ang sweldo kumpara sa pribadong sektor. Pero iba ang katuparang nadadama dahil nakapagserbisyo ka sa ating bayan.’’
“Patuloy naming isinusulong ng Pangulo ang kapakanan ng mga empleyado, katulad ng mas magandang benepisyo, para naman maalagaan ang kanilang mga pamilya,’’ aniya.

 

“Gagawin po namin lahat ng pwedeng gawin basta naaayon sa batas. Ang hiling lang namin ay basta magserbisyo kayo ng tapat sa bayan at sa inyong kapwa,’’ kanyang idiniin.

Other News
  • Mga menor, personalidad na may mental condition, pagbawalang uminom ng alak

    UPANG patuloy na maprotektahan ang mga menor de edad at personalidad na may mental conditions mula sa masamang epekto ng alak, isinulong ng dalang mambabatas ang pagpataw ng mas mahigpit na regulasyon sa pagbebenta nito.     Sa House Bill No. 1753 o Anti-Underage Drinking Act na inihain nina Davao City Rep. Paolo Duterte at […]

  • CINDY, clueless pa rin kung paano nadawit sa hiwalayan nina KYLIE at ALJUR

    NAGBABALIK ang tambalan nina Coco Martin at Julia Montes sa FPJ’s Ang Probinsyano.     Si Julia ang magiging bagong leading lady ni Coco sa widely-followed na action series na nasa ikaanim na taon ngayon.     Reunion ito nina Coco at Julia na matagal din naman hindi nagkasama sa isang teleserye.     Magandang […]

  • Hinihimas lang dati ang mga trophies ng Superstar… LOTLOT, nakasungkit na rin ng ‘Gaward URIAN’ tulad nina NORA at JANINE

    TOP winner ang ‘On The Job: The Missing 8’ sa katatapos lamang na 45th Gawad URIAN Awards na ginanap noong Huwebes, November 17 sa Cine Adarna ng UP Film Institute.   Humakot ng siyam na awards ang pelikula kasama rito ang Best Picture (ka-tie ang ‘Big Night’), Best Director (Erik Matti), Best Actor (John Arcilla), […]