• May 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, ginagawa ang lahat ng makakaya para para matamo ang herd immunity mula sa Covid-19

GINAGAWA ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para makamit ang nilalayon nitong herd immunity mula sa COVID-19 upang magkaroon ng mas maayos na Pasko ang mga mamamayang Filipino ngayong taon.

 

“Our declaration is we will have a better Christmas this year. That needs to be our target, that we will have a better Christmas,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

 

Aniya, ang target ng gobyerno na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Filipino ngayong taon ay nananatiling “achievable” sa kabila ng nagkaroon ng bahagyang pagbagal sa vaccination program.

 

“Right now we’re really moving slow because we can’t vaccinate all our health workers at once. Somebody needs to man the hospital in case of adverse effects,” aniya pa rin.

 

Tinatayang may 1,125,600 doses na ang dumating sa bansa na nakareserba para sa mga health workers, ikinukunsiderang top priority ng vaccination campaign ng pamahalaan.

 

Inaasahan naman ng Pilipinas na matatanggap nito ang 2.3 milyong doses mula Sinovac at AstraZeneca ngayong Marso at milyong higit pa sa mga darating na buwan.

 

“We are relentlessly looking for a stable and steady supply… We are very ambitious that we can vaccinate more or less 70 million people,” ayon kay Galvez. (Daris Jose)

Other News
  • Turismo palakasin para sa trabaho – Bong Go

    SUPORTADO ni Senador Christopher “Bong” Go ang panukalang badyet at mga programa ng Department of Tourism para sa susunod na taon dahil sa mahalagang papel na ginagampanan ng turismo sa paglikha ng trabaho at paglago ng ekonomiya.     Ayon kay Go, ang turismo ay isang pundasyon ng ekonomiya at kailangan aniyang maglaan ng sapat […]

  • Hindi pa nakakapasok ang UK variant ng COVID-19 sa Metro Manila

    Mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang kumakalat sa social media na mayroon nang bagong COVID-19 variant sa Metro Manila.   Paglilinaw ng DOH at ng Philippine Genome Center (PGC) na hanggang kahapon, Enero 11, 2021, ay wala pang na-detect na UK variant, o anumang bagong variant ng SARS-COV-2 sa mga positive samples na […]

  • ‘No CCTV, no business permit policy’ dapat ipatupad ng LGUs sa mga establisyemento – DILG

    HINIMOK ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na magpasa ng ordinansa para iobliga ang mga business establishment na mag-install ng closed-circuit television (CCTV) systems bago ang isyuhan ng business permits o ang “No CCTV, no business permit policy.”     Partikular na tinukoy ng DILG na […]