• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, handang magbenta ng iba pang ari-arian sa Japan

MAAARING magbenta ng iba pang ari-arian ang pamahalaan maliban real estate assets sa Japan kung kakailanganin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang maraming pondo para sa mga pangunahing programa nito.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang dapat na ikabahala ang publiko dahil tinitiyak naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat na pondo ang state health insurer para sa implementasyon ng universal health care program.

 

“Dahil nga po sa Universal Healthcare Law, kung kulang po iyan ay tutustusan po galing sa kaban ng taumbayan. Kaya nga po, kung kinakailangan, ibibenta iyong mga properties na iyan. At hindi lang naman po Roppongi, marami pa tayong mga ibang properties na pupuwedeng ibenta,” ayon kay Sec. Roque.

 

“So in other words, sinasabi lang ni Presidente, ‘Sagot ko ang inyong kalusugan,’ dahil iyan ang batas na sinertify [certified] niyang urgent noong iyan po ay tinatalakay sa Kongreso, paninindigan po niya iyong obligasyon ng estado na pangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino. If it means having to sell assets, why not,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Inamin ni Sec. Roque na walang paraan para masabi kung hanggang kailan tatagal ang pondo ng PhilHealth dahil sa malawakang korapsyon sa tanggalan lalo pa’t wala namang nagsasabi ng totoo sa PhilHealth.

 

Nitong Lunes, sa public address ni Pangulong Duterte ay inamin nito na kaya nagbebenta na ng mga ari-arian ang PhilHealth, tulad ng property sa Japan, dahil kailangang makalikom ng pondo ang ahensiya.

 

Isa umano ito sa mga dahilan kaya kailangan na itong buwagin at palitan ng bago.

 

“Wala nang pambayad ‘yang sa PhilHealth na ‘yan kung… Kaya walang ibang remedy diyan. It must be a surgical move. Talagang… Kung hindi, paalisin ko sans the itong mga civil-civil service, create a new agency out of that — out of the ruins of that old one,” ayon pa kay Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • Pdu30, nakiisa sa virtual send-off ceremonies sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo 2020 Paralympics

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suporta ng bansa para sa anim na atletang Filipino na makikipaglaban sa Tokyo 2020 Paralympic Games, isang major international multi-passport event na pangangasiwaan ng International Paralympic Committee (IPC).   Ang 16th Summer Paralympic Games ay idaraos sa Tokyo, Japan mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5.   “My warmest […]

  • DINGDONG at MARIAN, muling mapapanood sa primetime sa pagbabalik ng ‘Endless Love’

    MUKHANG inip na ang mga DongYan fans ng mag-asawang Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, na mapanood silang magkasama sa isang serye.     Kaya umani ng maraming likes ang post ng GMA Network na muling mapapanood sa GMA Telebabad ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Endless Love […]

  • LTO: 15-hour Theoretical Driving Course kailangan sa pagkuha ng driver’s license

    Ang mga aplikante nakukuha ng student driver’s permit ay kinakailangan munang kumuha ng 15-hour theoretical  driving course sa ilalim ng ahensya o di kaya ay sa mga accredited na driving schools simula sa August 3.   “Effective July 1, we will be suspending the issuance of student permits because by August, we will be requiring […]