Gobyerno, hindi alam kung saan huhugutin ang pondo para sa P401-billion Bayanihan 3 bill
- Published on June 1, 2021
- by @peoplesbalita
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maisip ng pamahalaan kung paano popondohan ang panukalang P401-billion Bayanihan 3 bill.
Layon nito na tulungang makabangon ang ekonomiya mula sa pagkawasak at pagkalugmok dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay bunsod ng Bayanihan 3 measure na inaprubahan sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pangunguna ni Speaker Lord Allan Velasco, malapit na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“We are still waiting for the report of the economic team if we have a budget for that,” ayon kay Sec. Roque.
Aniya pa, titingnan ng pamahalaan kung mayroong available na pondo mula sa P4.5-trillion 2021 budget at sa P165-billion Bayanihan 2 law.
“We are also waiting certification from the Bureau of Treasury if we have funds for Bayanihan 3,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi pa ni Sec. Roque na ikinalugod nila ang proactive approach ng Velasco-led House.
“We thank them for this because when the time comes that we really need a supplemental budget, we won’t be scrambling for it,” ayon kay Sec Roque. (Daris Jose)
-
Sikat na Fil-Am Drag Queen na si MANILA LUZON, dumating na sa bansa para sa ‘Drag Den Philippines’
DUMATING sa bansa ang sikat na Filipino-American drag queen na si Manila Luzon. Nandito si Manila Luzon para sa gagawin niyang Filipino drag race contest na Drag Den Philippines. Pinost niya via Instagram on Sunday na naka-red outfit siya habang naka-pose sa balcony ng kanyang hotel room. Sa Twitter […]
-
Pacquiao hinamon si Marcos ng presidential debate
HINAMON ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao ang karibal na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang one-on-one na debate — ito matapos umiwas ng huli sa sari-saring presidential forums at debates para sa eleksyon. Ilang presidential forums at debates na kasi ang iniwasan ni Marcos gaya na lang ng sa […]
-
Ads December 17, 2021