• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, hindi gagamitin ang pension funds bilang seed funds para sa Maharlika

WALANG BALAK at hindi kailanman naisip ng gobyerno na gamitin ang state pension funds  bilang  “seed fund” para sa  panukalang  Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pension funds ay maaaring i-invest sa panukalang sovereign wealth fund kung sa tingin ng mga ito ay ito’y “good investment.”

 

 

“Of course, ah no, I agree. We have no intention of using… kukuha tayo ng pera ng pension fund,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“We will not use it as a seed fund. However, if a pension fund, which is what pension funds do, is they invest. If the pension fund decides that Maharlika fund is a good investment, it’s up to them if they want to invest in it,”dagdag na wika nito.

 

 

Kasunod ng  marathon deliberations, inaprubahan naman ng Senado ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng sovereign wealth fund.

 

 

Nakasaad sa batas na ang MIF  ay nilikha  sa pamamagitan ng pondo na huhugutin mula sa Land Bank of the Philippines (LBP): P50 bilyong piso;  Development Bank of the Philippines (DBP): P25 bilyong piso at  National Government: P50 bilyong piso.

 

 

Samantala, ang kontribusyon mula sa national government ay manggagaling naman mula sa  “total declared dividends ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National government’s share mula sa  kinita ng  PAGCOR, Properties, real and personal na i-dentify ng DOF-Privatization and Management Office at iba pang sources gaya ng  royalties and/or special assessments.”

 

 

Kabilang naman sa  major amendments na ipinakilala sa batas ay ang ganap na pagbabawal sa paggamit ng pondo ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance (PhilHealth) corporation, Pag-IBIG, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippines Veterans Affairs Office (PVAO) sa  capitalization at investments sa  Maharlika fund. (Daris Jose)

Other News
  • Ads August 16, 2023

  • TIPID TUBIG

    NAGBABALA ang Maynilad at Manila Water sa kanilang customers na magkakaroon ng water interruption sa paparating na mga araw dahil sa pa-tuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan at maging sa La Mesa Dam sa Quezon City. Patuloy rin ang pagbaba ng level ng tubig sa Ipo Dam. Kaya ang payo ng […]

  • Pinas, aangkat ng 21,060MT yellow, red onions para pigilan ang mataas na presyo

    MAY GO SIGNAL na ang  Department of Agriculture (DA) para sa importasyon o pag-angkat ng  21,060 metriko tonelada ng sibuyas para punan ang supply gap at pigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng kalakal sa pamilihan.     Sa isang liham sa Bureau of Plant Industry (BPI)-licensed onion importers na may petsang Enero 6, […]