Gobyerno, inatasan ang DoLE na palakasin ang pagsisikap laban sa illegal recruitment
- Published on September 2, 2021
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) na paigtingin pa ang pagsisikap nito laban sa illegal recruitment.
Ipinag-utos ng Pangulo sa DOLE na magkaroon ng mas maraming manpower at isama ang kapulisan sa pagtugon sa labor issue.
“So you fortify the anti-illegal task force,” ang sinabi ni Pangulong Duterte kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
“Okay na ‘yung iba. But I want kapag may mag-report, follow up agad ang police,” ayon pa sa Kalihim.
Aniya pa, nais niyang magtatag ng unit o tanggapan sa Philippine National Police para sa anti-illegal recruitment efforts.
Ipinanukala rin ni Pangulong Duterte na magbigay ng ilang buwan ng pagsasanay at pagtuturo ukol sa labor crime laws sa mga pulis para makatulong na puksain ang illegal recruitment. (Daris Jose)
-
TRAVEL BAN SA VIETNAM, POSIBLE
PINAG-AARALAN kung magpapatupad ng travel ban sa Vietnam upang maiwasan ang magpasok ng sinasabing hybrid variant . Pero ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, hindi pa puwedeng pangunahan dahil kailangan pang iberipika at wala pang sapat na ebidensya na ang nasabing variant na kombinasyon ng India at UK variant . Ayon pa kay […]
-
DBP dividend cut, walang kaugnayan sa Maharlika Investment Fund
PINABULAANAN ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang alegasyon na ang Development Bank of the Philippines (DBP) dividend cut ay naglalayon na panatilihin ang capital para sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF). Sa isang kalatas, sinabi ni Diokno na ang government banks gaya ng DBP at Land Bank of the Philippines (LBP) ay pinayagan […]
-
GERALD, umaming napakainit ang naging comment ni JULIA sa trending boxer briefs scene niya
“GULAT nga ako nag-trending, ganyan suot ko araw-araw,” natatawang sagot ni Gerald Anderson nang matanong sa reaksyon sa viral video na kung saan suot niya ang white boxer briefs. Sa isang virtual interview na inilabas sa Star Magic YouTube account, naitanong nga ang eksenang kuha sa teleseryeng Init sa Magdamag na kung […]