Gobyerno, inihanda na ang food supply bilang paghahanda para sa pananalasa ng bagyong Julian
- Published on October 1, 2024
- by @peoplesbalita
INIHANDA na ng gobyerno ang pagkain at iba pang mahalagang suplay para sa mga indibiduwal na maapektuhan ng bagyong “Julian”.
Sa isang situational report, araw ng Linggo, Setyembre 29, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may kabuuang 1.9 milyon na family food packs na nagkakahalaga ng P1.48 billion, iba pang food items na nagkakahalaga ng P276 million, at non-food items (NFIs) na nagkakahalaga ng P919 million ang inihanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Available rin ang P171 million na standby fund na gagamitin ng DSWD, kabilang na ang P123 million na maaaring ilaan bilang Quick Response Fund (QRF) sa central office ng DSWD.
Sa Batanes, ipinag-utos ng provincial disaster risk reduction and management office (PDRRMO) sa mga residente na italing mabuti ang kanilang mga bubong at maglagay ng panara o tapangko sa kanilang mga bintana dahil inaasahan na nasabing lalawigan magla-landfall ang bagyong Julian.
“Patuloy po ang pagbibigay natin ng information sa mga kababayan na magtali ng bubong, maglagay ng tapangko o window shutters at maghanda-handa dahil inaasahan talagang baka maglalandfall sa amin ,” ang sinabi ni Batanes PDRRMO head Roldan Esdicul sa isang panayam.
Sinabi ni Esdicul na may sapat na food supply at gasolina ang lalawigan para sa ‘would-be evacuees.’
Sa ngayon, hindi pa pinag-utos ng provincial government ng Batanes ang preemptive evacuation dahil ‘light to moderate’ pa lamang ang nararanasang pag-ulan.
“Nakahanda na ang evacuation centers pero wala pa rin preemptive evacuation kasi medyo tolerable pa naman. ‘Yun nga lang medyo may ilang turista na nastranded,” ang sinabi ni Esdicul.
Sa Cagayan, pinaalalahanan naman ang mga residente na mag-ingat laban sa mga pangunahing panganib gaya ng ‘rain-induced landslides.’
Nag-deploy naman ang Cagayan PDRRMO ng mga tauhan nito sa quick response stations upang mabilis na makatugon sa mga emergency, ayon kay Cagayan PDRRMO head Ruelie Rapsing.
Hindi naman nagpatupad ang provincial government ng Cagayan ng preemptive evacuation sa kabila ng nakararanas na ng ‘moderate to heavy rainfall’ ang mga nasa northeastern part ng Cagayan, sakop nito ang mga bayan ng Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Gattaran, at Santa Teresita.
“So far, walang nai-report na inilikas itong mga northeastern portion po natin. Hindi naman kasi flood-prone municipalities ito, hindi low-lying areas. Ito’y nasa shoreline. Ang mga hazards nito ay more or less rain-induced landslides,” ang sinabi ni Rapsing. (Daris Jose)
-
POGO probe tatapusin na ng Senado
UPANG hindi malihis ang imbestigasyon, iginiit ni Sen, JV Ejercito na tapusin na ang pagdinig na ng Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equality sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sinabi ni Ejercito na iminungkahi niya kay Sen. Risa Hontiveros, chair ng komite na tapusin na ang pagdinig dahil nagiging talkshow […]
-
WIZARDING WORLD AT WAR IN THE NEW TRAILER OF “FANTASTIC BEASTS THE SECRETS OF DUMBLEDORE”
THIS April, his secrets can save the world. Watch the latest trailer of “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” which has just been launched by Warner Bros. Pictures. Check out the trailer below and watch “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” exclusively in Philippine cinemas April 16. YouTube: https://youtu.be/m-klOyBx4QE Facebook: https://fb.watch/bsDycbRBDY/ […]
-
Nag-viral ang kanilang ‘cake’ dance video: MARIAN, natupad agad ang wish na maka-collab si DINGDONG
NATULOY na nga ang inaabangang collab nina Kapuso Primetime Queen at kaniyang asawa na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa paghataw sa TikTok dance video na kinagigiliwan ng mga netizen. Ito nga ang naging pasabog ng mag-asawa sa kanilang first day shooting para sa ‘Rewind’ na kasama sa 2023 MMFF. […]