Gobyerno, ipinagpaliban ang booster rollout para sa non-immunocompromised children na may edad na 12-17
- Published on June 27, 2022
- by @peoplesbalita
IPINAGPALIBAN ng national government ang pagbibigay ng kauna-unahang COVID-19 booster dose para sa non-immunocompromised children na may edad na 12 hanggang 17 bunsod ng ilang “glitches” sa Health Technology Assessment Council (HTAC).
Ipinaliwanag ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson at Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje na ang HTAC ay gumawa ng kundisyon na ang healthy adolescents na may edad na 12 hanggang 17 ay mabibigyan lamang ng kanilang booster shot kung ang booster coverage para sa senior citizens sa kani-kanilang lugar ay umabot sa 40%.
“We were confident sana na after the immunocompromised, sisimulan na ang rest of the 12 to 17 booster. Kaya nga lang po, may isang recommendation ang HTAC na nakiki-bargain kami. Ang gusto nila, at least 40% ng first booster ng area ay sa senior citizen. Alam naman natin na mababa ang first booster. Scientifically, may basis sila, pero operationally, nahihirapan kami,” ayon kay Cabotaje.
Ang rollout ng unang COVID-19 booster dose para sa immunocompromised minors para sa nasabing age group ay nagsimula, araw ng Miyerkules subalit sa mga ospital lamang dahil sa safety reasons.
Sinabi ni Cabotaje, na nananatili pa rin silang nakikipag-negosasyon sa HTAC kaugnay sa nasabing kondisyon, umaasa na magdedesisyon ito sa loob ng isang araw kung ang booster inoculation para sa non-immunocompromised children na may edad na 12 hanggang 17 ay maaaring magpatuloy “as long as they meet the five-month interval.”
Base sa guidelines ng Department of Health (DOH), ang immunocompromised adolescents na may edad na 12-17 ay maaaring makatanggap ng first booster ng 28 araw matapos ang second dose ng COVID-19.
Samantala, ang non-immunocompromised mula sa parehong age group ay kailangan na maghintay ng limang buwan matapos ang bakuna ng kanilang second COVID-19 dose bago pa sila makakuha ng kanilang unang booster shot. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Kaysa umasa sa imported: Mass-production ng face masks, itutulak
DAPAT ikunsidera ng gobyerno na palakasin ang kapasidad ng bansa sa mabilis na paggawa ng o mass-production ng face masks kasunod na rin sa nagaganap na worldwide shortage ng anti-viral personal device. “Our sense is, it might be practical for the government itself to be ready all the time to steadily produce large quantities […]
-
OCTA suportado ang mungkahing ‘wag gawing requirement ang pagsuot ng face shield sa sinehan
Suportado ng OCTA Research group ang mungkahi na huwag nang gawing requirement ang pagsusuot ng face shields sa loob ng mga sinehan. Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, hindi makakapag-enjoy ang isang tao sa panonood ng pelikula sa loob ng sinehan kung oobligahin ang mga ito na magsuot ng face shield. […]
-
Bagong Pilipinas mobile clinics, gagamitin sa mga isolated areas -PBBM
MAGDADALA ng 28 state-of-the-art Bagong Pilipinas mobile clinics ng agaran at high-quality healthcare services sa geographically isolated at disadvantaged areas (GIDAs) sa buong bansa. Sa katunayan, pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang turnover ceremony ng 28 Bagong Pilipinas mobile clinics sa Manila North Harbor Port sa […]