• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, kailangan na magpalabas ng guidelines para sa COVID-19 home test kits sa lalong madaling panahon

NANAWAGAN si Vice President Leni Robredo sa gobyerno na bilisan ang pagpapalabas ng guidelines para sa paggamit ng home antigen test kits.

 

 

“Sa ibang bansa, ina-allow na nila ‘yung home testing. Kapag masyado natin inistriktuhan ‘yung testing, nagko-congest [ang laboratories],” ayon kay Robredo.

 

 

Sinabi pa ng Bise-Presidente na may mga ulat na pagkaantala nang pagpapalabas ng test results dahil sa backlogs sa mga laboratoryo at sa oras na aprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng home antigen test kits, mapapabilis nito ang testing.

 

 

“So napakahalaga ng antigen test. ‘Yung mga may pambili, pwede na makabili. So sana madaliaan na ‘yung paglabas ng regulation nito, para ‘yung mga tao hindi na magsiksikan [sa testing centers],” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang FDA ay tumatanggap ng aplikasyon para sa Special Certification for COVID-19 home test kits.

 

 

Ang lahat ng antigen tests na kasalukuyang inaprubahan ng FDA ay ang tanging itinuturok sa mga healthcare professionals sa mga laboratoryo.

 

 

Inaasahan naman na ipalalabas ng Department of Health sa Enero 17 ang guidelines para sa paggamit ng home test kits.

 

 

Muli pa ring nanawagan si Robredo para sa mass testing sa gitna ng “uptick” sa COVID-19 cases.

 

 

“Ang dami ngayong asymptomatic. Kung hindi mo ma-test ‘yung asymptomatic, umiikot siya ng hindi niya alam na nakakahawa siya. Mahalagang ang testing kasi ito ang magiging basis kung kailangan mo mag-quarantine o mag-isolate,” anito.

 

 

Giit nito, kailangan na nagsagawa ng testing ang pamahalaan sa mas maraming tao nang nagsimulang tumaas ang infections.

 

 

“Dapat sana nung may uptick na ng number of cases, nag-test na ng test para na-contain na. Eh hindi, pahirapan na ‘yung testing ngayon,” dagdag na pahayag ni Robredo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Harry Roque pugante na!

    ITINUTURING na ngayong ‘pugante’ sa batas si da­ting Presidential spokesman Harry Roque na hinihinalang may kaugnayan sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Porac, Pampanga.     Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, ito ay bunga ng kabiguan ni Roque na dumalo at isumite ang mga dokumento na makatutulong […]

  • Dahil punum-puno ang schedule this year: BEA, piniling mag-backout na lang sa first movie nila ni ALDEN

    NAKALULUNGKOT dahil hindi na matutuloy ang pagtatambal nina Bea Alonzo at Alden Richards sa ‘A Special Memory’.   Pinili nga ng aktres na mag-backout na lang sa dapat sana ay una nilang pagtatambal sa pelikula ni Alden Richards dahil punum-puno ang schedule niya this year.   Sa official statement mula sa management ni Bea…   […]

  • Thankful kay Direk Ruel na pinayagang mag-audition: GLAIZA, ‘di inakala na tatagal nang dalawang dekada sa showbiz

    HINDI nga raw inakala ni Glaiza de Castro na tatagal siya nang dalawang dekada sa showbiz at ang pangako niya na makatulong sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagpasok sa showbiz ay natupad niya.     Nagsimula si Glaiza sa 2001 film na ‘Cool Dudes 24/7’. Muntik na raw siyang hindi mapasama sa movie dahil […]