Gobyerno, kailangan na matutong harapin ang AI —PBBM
- Published on August 16, 2023
- by @peoplesbalita
SA KABILA ng ginawang pag-amin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang artificial intelligence (AI) ay “disconcerting,” sinabi ng Chief Executive na makatutulong ito sa modernong panahon.
Sinabi ng Pangulo na kailangang matuto ang gobyerno kung paano ito haharapin lalo pa’t inilunsad ng administrasyon ang media information literacy campaign na naglalayong gabayan ang mga kabataan at ang buong bansa sa impormasyon na nakukuha sa online.
“With the advent of AI, we can see that the tools that are available are becoming more and more powerful and we’re all very grateful when there are machines do a little bit of thinking for us but it’s also rather disconcerting when we are confronted by pure AI, hindi na tao yung kausap mo,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng media information literacy campaign ng Presidential Communications Office (PCO), araw ng Lunes, Agosto 14.
“That’s something that we have to learn how to deal with, and that is why what we are doing here today— starting this campaign— is very very important,” dagdag na wika nito.
Binanggit ito ng Punong Ehekutibo habang binibigyang diin ang pangangailangan na tiyakin sa mga mamamayan lalo na sa mga kabataan na maunawaan ang katotohanan, espekulasyon, propaganda at kagyat na kasinungalingan.
Tinuran pa ng Pangulo na ito’y “urgent” job na kailangang simulan ngayon, binigyang diin na “we need everyone to be involved.”
“It is immediate, it is urgent and although I think if we put our minds to it, there is a way to allow our people to be able to discern from truth and everything else,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Iginiit pa rin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na kilalanin at tanggapin na mayroong “good information at bad information”, sabay sabing “it is up to us to make sure that we cannot stop it.”
“I don’t think that there’s ever been any country no matter how much they wanted to do try and stop the internet or to try and block or try and cancel websites, they do for a little while, pero lilitaw din ‘yan. We always somehow find a way in,” ani Pangulong Marcos.
“So we have to, we have to find a way to make sure that whatever the inputs are people are getting, they have the capability, they have the ability to be able to discern between truth, speculation, propaganda, and outright lies,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
PBBM, tinitingnan ang ‘self-regenerating’ pension plans para sa AFP, PNP
HANGAD ng pamahalaan na bumuo at magpalabas ng “self-regenerating” pension plans para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano niyang itong sa sidelines ng inagurasyon ng 160-megawatt wind farm sa Pagudpud, Ilocos Norte. “We are still in […]
-
WHAT A TREAT! MEET THE COLORFUL CHARACTERS OF “WONKA,” IN CINEMAS DECEMBER 6
STEP into a world of pure imagination, and get a glimpse of the wonderful characters of “Wonka,” starring Timothée Chalamet as the beloved chocolate-maker. Directed by Paul King (“Paddington”), “Wonka” opens in Philippine cinemas December 6. Watch the new trailer: https://youtu.be/Ke6EKcvZwiA About “Wonka” Based on the extraordinary character at the center of “Charlie […]
-
Pagbabakuna kontra COVID-19, umarangkada na sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Pormal nang sinimulan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan sa itinalagang COVID-19 Vaccination Site sa The Pavilion Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito ngayong araw. Bago ito, isinagawa ang simbolikong pagbabakuna sa harap ng vaccination site na dinaluhan nina Gob. Daniel R. Fernando, Bokal Alexis Castro […]