Gobyerno, kailangang manatiling “fully operational” sa kabila ng pagtaas ng Covid-19 infection
- Published on January 12, 2022
- by @peoplesbalita
SA KABILA nang patuloy na pagtaas ng Covid-19 infections sa hanay ng mga manggagawa sa gobyerno, kailangan pa ring manatiling “fully operational” ang pamahalaan pang matiyak ang epektibong paghahatid ng pampublikong serbisyo.
Ang pahayag na ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sa gitna ng pagtaas ng Covid-19 cases sa mga government personnel, kabilang na ang healthcare workers sa mga pampublikong ospital at miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
“Alam mo, kung bawalan tayo tapos lahat sa gobyerno kasi opisina ‘yan. Opisina por opisina por opisina. So kung may asymptomatic diyan talagang mahahawa. Ngayon if bawalan mo lahat magtrabaho then the machinery of government will stop to grind,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.
Hindi naman dinetalye ng Pangulo kung anong ahensiya ng pamahalaan ang tinutukoy niya subalit tila ang sarili niyang tanggapan ang tinutukoy niya.
Bilang Ama ng Pilipinas, kailangan niyang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng regular public address para “communicate to the people what government is doing.”
Bahagi aniya ng pagiging civil servant ay ang panganib na mahawa ng Covid-19.
“Now, if ma-compromise tayo that’s part of the game. ‘Yan ang trabaho namin. Ngayon, kung magka Covid kami , then so be it. Kasali sa trabaho ‘yan e. Now, kung mamatay ako then so be it,” dagdag na pahayag nito.
Kamakailan ay naglabas ang Malakanyang ng Memorandum Circular No. 94 na nagtatakda sa mga head ng agency na bawasan ang work force sa kani- kanilang mga tanggapan.
Batay sa Memorandum Circular na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, binibigyan ng Central office ang mga Department heads ng awtorisasyon para ipatupad ang gagawing paglilimita sa bilang ng mga kawaning gagawin ang kanilang trabaho sa opisina.
Nakasaad pa rin dito na hangga’t walang kapahintulutan o go signal ang pinuno ng isang Departamento ay hindi maipatutupad ang reduction of on- site workforce.
Kailangan din aniya na matiyak na bagama’t magkakaroon ng pagbabawas ng empleyado na personal na tutungo sa opisina, ay mayruong itatalagang kawani na siyang tutugon sa mga tawag at iba pang immediate concern ng isang government office.
Sinasabing, hindi naman aplikable ang pagbabawas ng empleyado o pansamantalang pagsasara ng tanggapan na ang rason ay dahil magsasagawa ng disinfection.
Pwede aniyang gawin ang nasabing aktibidad pagkatapos ng working hours o sa weekend. (Daris Jose)
-
Panguil Bay Bridge, pasisiglahin ang economic activities sa Mindanao
KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. na magiging masigla na ang economic activities sa Mindanao sa tulong ng Panguil Bay Bridge. Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na umabot ng dekada para maitayo ang tulay mula sa naging balak o plano pa lamang hanggang inagurasyon. ”I just said we waited for […]
-
Angkas posibleng mag-operate muli
Ang motorcycle back-riding na Angkas ay papayagan muling mag-operate “in principle” pending health safety guidelines na kanilang dapat gagawin na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang labanan ang paglaganap ng COVID -19. Sa ilalim ng Resolution No. 47, ang IATF, ay inatasan ang Department of Transportation […]
-
Pinoy boxers biyaheng Thailand na
Tutulak na patungong Thailand ang national boxing team upang doon ipagpatuloy ang paghahanda nito para sa iba’t ibang international tournaments. Nangunguna sa listahan si Tokyo Olympics qualifier Irish Magno gayundin sina world champion Nesthy Petecio at Carlo Paalam na parehong naghahangad na makahirit ng tiket sa Olympics. Diretso sa Bangkok ang […]