Gobyerno, maglulunsad ng kampanyang “Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay”
- Published on August 17, 2020
- by @peoplesbalita
NAPIPINTONG ilunsad ng gobyerno ang isang kampanya para ipabatid sa publiko na maaari namang maghanapbuhay kahit may kinakaharap na pandemya.
Ang kampanya ayon kay Sec. Roque na ipapa- apruba kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sa gitna na rin ng
mainit na debate sa loob ng IATF at UP group na nagsasabing kinakailangan manatili pa ring sarado ang ekonomiya.
Aniya, kung walang matatanggap na ayuda ang mamamayan, ang solusyon dito ay buksan ang ekonomiya at hayaang makapag-trabaho ang mga tao kaakibat ang kaukulang pag- iingat.
“Kinakailangang buksan ang ekonomiya dahil talaga naman pong wala pa ring trabaho ang karamihan kung mananatili ang mga lockdowns,” ayon kay Sec. Roque.
“At tingin ko po bagaman at mainit po ang debate sa IATF at nandiyan po iyong UP-OCTA group na nagsasabing kinakailangan manatili pa ring sarado ang ekonomiya, well, sabihin po natin iyan doon sa mga walang trabaho dahil sarado ang ekonomiya.
At kung wala po tayong ayuda, ano pa ang solusyon natin kung hindi buksan ang ekonomiya,” pahayag nito.
Sinabi pa ni Sec. Roque na isa siya sa mga naniniwalang maaaring ituloy ang buhay kahit may COVID at kailangang matutong mabuhay sa gitna ng pandemya.
“Intense po ang debate sa IATF at sa Gabinete, those who want to open the economy and those who want to continue closing it because of the threat.”
“Ako, I personally belong to the school of thought na we can live with COVID; we need to learn how to live our lives with COVID. At ilulunsad na nga po natin iyong ating kampaniya na “Ingat Buhay Para sa Hanapbuhay”,” lahad ni Sec. Roque.
-
10M Pinoy jobless sa COVID-19 crisis – DSWD
Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na halos nasa 10 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng coronavirus disease o COVID-19 crisis. “The health crisis alone has created deep impacts on the economy, as well as our fellow Filipinos’ livelihood and well-being, with prospects of an estimated 10 […]
-
Naniniwala sa kakayanan ng asawa kaya pinagtatanggol: JESSY, umaapela sa publiko na bigyan ng chance si LUIS
GANUN na lang ang pagtatanggol ni Jessy Mendiola sa asawang si Luis Manzano. Ito ay hinggil sa pagtakbo ni Luis bilang bise gobernador ng Batangas. Naniniwala ang Kapamilya aktres na ang kanyang mister ang may karapatan sa lahat ng mga artistang tumakbo noon, at tumatakbo ngayon para sa 2025 midterm elections. Kaya […]
-
Kaso ng ‘labor abuse’ sa mga food delivery riders, pinaaaksyunan
Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa Department of Labor and Employment (DOLE) na agad imbestigahan at aksyunan ang mga napabalitang insidente ng “labor abuse” laban sa ilang food delivery riders sa bansa. “Nananawagan ako sa DOLE na aksyunan agad ang hinaing ng ating delivery riders na nakararanas ng panggigipit sa mobile app operators. […]