• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, mas gugustuhin pa na magpatupad ng localized o granular lockdowns

MAS gugustuhin pa ng pamahalaan na magpatupad ng localized o granular lockdowns kaysa ibalik ang buong bansa sa strict lockdown sa gitna ng pagtaas ng coronavirus cases.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, may kapangyarihan ang local government units (LGUs) na magpatupad ng localized lockdown sa isang specific o tiyak na lugar kung saan may naiulat na pagtaas ng COVID-19 transmission.

 

“Hindi po. Ang ating istratehiya pa rin ay localized lockdown,” ang tugon ni Sec. Roque sa tanong kung advisable ba na magpatupad ng city-wide o barangay-level lockdowns para mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.

 

Kamakailan ay pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang LGUs na ilagay ang mga maliliit na lugar gaya ng gusali, kalsada o maging ang barangay sa ilalim ng lockdown para mapigilan ang pagkalat ng transmission.

 

Layon ng granular lockdown na balansehin ang pangangailangan na protektahan ang public health mula sa pagkalat ng virus na hindi mapipinsala ang malaking bahagi ng ekonomiya.

 

Maliban sa granular lockdowns, sinabi ni Sec. Roque na ang local government units ay kailangan na paigtingin ang prevent-detect-isolate-treat-recovery strategy para mapigilan ang outbreak sa kanilang komunidad.

 

“Bagama’t ang obligasyon talaga ng ating mga lokal na pamahalaan ay paigtingin iyong kanilang isolation, detection at siguraduhin lalung-lalo na iyong mga positibo ay mailipat sa mga quarantine facilities at maiwasan po ang home quarantine ,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • RABIYA, nag-deny na break na sila ng longtime boyfriend na si NEIL, inaming crush niya si KOBE

    NAGSIMULA na ang lock-in taping nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith ng kanilang first full-length teleserye sa GMA Network last May 18, ang The World Between Us.       May mga behind-the-scene photos nina Alden at Jasmine na lumalabas posted ng photographer ng show at may mga tanong ang mga netizens, ano raw ba […]

  • “Full fuel subsidy” para sa Agri sectors, hiling

    MULING  nanawagan ang grupong Anakpawis na “full fuel subsidy” na nagkakahalaga ng P15,000 sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.     Ang pahayag ng grupo ay kasunod na rin sa panobagong pagtaas sa presyo ng gasoline na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis simula ngayong Martes Abril […]

  • DURA-DURA GANG ARESTADO

    INARESTO  ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang apat na hinihinalang miyembro ng  Dura-Dura Gang nang dakpin ng mga pulis matapos na mambiktima ng mga pasahero ng isang pampublikong bus.   Ang mga naaresto ay sina Jayson Labanin, 26, ng Maganda Street, Sampaloc, Maynila; Mark Bactol, 30, ng V. Mapa St., Sta. Mesa, Maynila; […]