Gobyerno na lang dapat mag-import ng bigas – Tulfo
- Published on November 12, 2024
- by @peoplesbalita
Dahil sa hindi naman daw bumababa ang presyo ng imported rice sa merkado, nais ni House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo na tanging ang Department of Agriculture (DA) na lang ang mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.
“Binabaan na nga ng Pangulo ang taripa ng imported na bigas ng mga negosyante, pero ang presyo sa merkado nasa P50 to P60 pa rin ang kilo”, ayon kay Cong. Tulfo.
“Dont tell me walang saysay ang pagbaba ng taripa. So saan napupunta ang savings sa taripa? Dapat sa mga tao di ba?,” tanong ng mambabatas.
Aniya, mukhang ang nakikinabang lang ay ‘yung mga importer, therefore kailangan nating kumilos na”.
Maghahain ng panukalang batas si Cong. Tulfo ngayong araw kasama sina Cong. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo ng ACT-CIS Partylist, Benguet Rep. Eric Yap, at Quezon City Rep. Ralph Tulfo na bigyan ng kapangyarihan ang DA na mag-import ng bigas para ibenta sa mga palengke.
Ayon sa panukalang batas, kung magkano nakuha ng DA ang bigas sa ibang bansa, ay siya na rin ang magiging katumbas na presyo sa ating merkado.
“Dahil bawal magbenta ang DA ng bigas, isasama natin sa panukala na ang mga interesadong rice retailers ay maari ng mag-apply bilang licensed kadiwa outlets sa DA”, paliwanag ni Tulfo.
Nakasaad din sa naturang panukalang batas na kapag panahon ng anihan ng palay, itigil ng DA ang pagbibigay ng import permit ng bigas sa lahat para maprotektahan ang local manufactured rice at ang interes ng mga magsasaka. (Daris Jose)
-
50 milyong Pinoy target bakunahan ngayong taon
Target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 50 milyong Filipino ngayong taon, ayon kay Secretary Vince Dizon. Sinabi ni Dizon na upang maisakatuparan ang pagbabakuna sa 50 milyong Pinoy, kailangang maturukan ang nasa 250,000 hanggang 300,000 kada araw. “We have a goal of inoculating of about 50 million Filipinos this year. […]
-
Robredo, ‘No regrets’ sa kabila ng OVP challenges sa ilalim ng administrasyong Duterte
“NO REGRETS” si Outgoing Vice President Leni Robredo sa kabila ng mga hinarap na hamon ng kanyang tanggapan sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sa last episode ng kanyang lingguhang radio program, sinabi ni Robredo na ang kakulangan ng suporta mula sa ibang tanggapan ng pamahalaan ang dahilan para itulak ng kanyang tanggapan na […]
-
Negosasyon ng pamahalaan sa Pfizer, nagiging mabusisi
SINABI ng gobyerno na lawyer to lawyer ang magiging transaksiyon sa kasalukuyan ng gobyerno sa kumpanyang Pfizer. Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez , itoy dahil na rin sa mahigpit na patakaran ng Pfizer lalo na sa isyu ng indemnification. Sa kasalukuyan ay halos tapos na ang negosasyon sa pitong kumpanyang maaaring […]