• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, naghahanda para sa epekto ng El Niño sa food security, inflation – NEDA

TINIYAK ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa publiko na gumagawa na ng hakbang ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para pagaanin ang posibleng negatibong epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.

 

 

Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon,  na ang epekto ng  long-dry spell  ngayong taon, partikular na sa inflation, ay hindi inaasahang magiging makabuluhan.

 

 

Gayunpaman, inaasahan naman na mangyayari ang  matinding phenomenon sa simula ng 2024.

 

 

“Iyong brunt talaga ng El Niño we expect it to happen by beginning of next year of 2024 kaya lang iyong preparasyon para doon kailangan ngayon nagsisimula na,” ayon kay Edillon.

 

 

Tinukoy ni Edillon ang pagbabawas sa alokasyon para sa  irrigation water pabor sa ‘residential use’ sa  Angat Dam  ay makatutulong na mapagaan ang epekto ng phenomenon.

 

 

“The planting season has already concluded, eliminating the need for irrigation water at this point,” ayon pa kay Edillon.

 

 

Winika pa nito na ang madalas na pag-ulan na nararanasan sa buong bansa ay dapat na samantalahin, gaya ng pabilisin ang pagkumpleto sa maliit na ‘impounding water projects.’

 

 

“So, again ngayong taon na ito hindi namin nakikita iyon. Kung impact for next year that really depends on how we’re able to prepare this year,”  aniya pa rin.

 

 

Sinabi pa ni Edillon, nakikita ng pamahalaan na walang makabuluhang epekto ang El Niño sa ekonomiya at inflation ng bansa  kung ang  tama at napapanahon na paghahanda at contingency measures ay nasa tamang lugar. (Daris Jose)

Other News
  • Davao City, isasailalim sa MECQ simula Hunyo 5

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Hunyo  3, 2021, na isailalim ang   Davao City sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Hunyo 5 hanggang Hunyo 20, 2021.     Bukod dito, inaprubahan din ng  IATF ang  General Community Quarantine status ng General Santos City simula Hunyo 5 hanggang Hunyo 30, 2021.   […]

  • 519.93 metric tons ng mga coins pinaretiro na ng Bangko Sentral ng Pilipinas

    INIULAT ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) tuluyan na nilang pinaretiro ang nasa 519.93 metric tons ng mga coins.     Ibig sabihin nito ‘yong mga pera o coin na hindi na magagamit dahil sa demonetized, o kaya may sira-sira na.     Tinatawag naman itong defacement process na sinimulan noong October 2021 hanggang […]

  • HEART, nagbuhay-reyna habang nagbabakasyon sila sa Amerika dahil kay Gov. CHIZ

    FINALE week na simula ngayong gabi (January 3) ng GMA Primetime series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Sid Lucero, Tom Rodriguez, Dina Bonnevie at Jaclyn Jose.     Kaya excited na ang mga televiewers na malaman kung paano magwawakas ang serye na dinirek ni Dominic Zapata.      Nagkaroon kasi […]