Gobyerno, naglaan nang mahigit na P2 billion para tulungan ang mga cancer patient
- Published on August 23, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman na naglaan ang gobyrno ng P2 billion sa panukalang 2024 National Expenditure Program (NEP).
Binigyang diin ng Kalihim ang “prevention, treatment, at control of non-communicable diseases” gaya ng cancer bilang isa sa “key priorities” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Tinuran ni Secretary Pangandaman na ang 18,695 cancer patients ang makikinabang mula sa P1.024 billion na pondo sa ilalim ng Prevention and Control of Non-Communicable Diseases, sakop nito ang procurement ng 61 na iba’t ibang cancer commodities gaya ng Trastuzumab 600 mg/5mL, Docetaxel 40 mg/mL, at Paclitaxel 6 mg/mL.
“Kapag nakikita ko ang mga pasyente, lalo na ‘yung mga bata… minsan, hindi ko mapigilan umiyak. But I know in my heart that I need to be strong. And I remain strong in finding better ways to give them all the help and support they need,” ayon sa Kalihim.
Idagdag pa sa Cancer Control Program, may P1 billion ang ilalaan sa Cancer Assistance Fund (CAF) para i- subsidize ang patuloy na medical aid para sa 6,666 cancer patients na nakarehistro sa 31 cancer access sites sa buong Pilipinas.
“The CAF will partially finance outpatient and inpatient cancer control services. This include, but is not limited to, therapeutic procedures and other cancer medicines needed for the treatment and management of cancer and its care-related components,” ayon sa DBM.
“The CAF aims to fill the financial gap in cancer diagnostics and laboratories, which PhilHealth does not cover. On average, Filipino families spend approximately P150,000 per patient for these treatments,” ayon pa rin sa departamento.
Samantala, ang natitirang P682.709 million ng P1.7 billion na inilalaan sa ilalim ng Prevention and Control of Non-Communicable Diseases initiative ay gagamitin sa mental health patients na tinatayang umabot na sa 124,246.
Ang nasabing halaga ay gagamiting pondo para sa mental health medications kabilang na ang Sodium Valproate 250 mg, Paliperidone Palmitate 100 mg, at Haloperidol 5 mg/mL para sa 362 pasyente na may mental health sa iba’t ibang lugar sa bansa. (Daris Jose)
-
Malakanyang, hinikayat ang Kongreso na gumawa ng national quarantine law
NANANALIG ang Malakanyang na gagawa ng hakbang ang Kongreso para gumawa ng batas na may kinalaman sa pagbalangkas ng National Quarantine Law. Layon nito na magkaroon ng malinaw na batas lalo na sa kung anong kaparusahan ang dapat ipataw laban sa mga lalabag sa ipinatutupad na health at quarantine protocol. Sinabi ni Presidential […]
-
DICT, lilikha ng task force, complaint center kontra text scams, illegal sites
NAKATAKDANG magtatag ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng task force at complaint center kontra text scams at illegal sites. Sa isang panayam, binigyang diin ni DICT Secretary Ivan Uy, ang pangangailangan na paigtingin ang paglansag sa cybercrimes. Sa katunayan, inatasan na niya ang kanilang field personnel na agad […]
-
Alex Eala nabigo sa ITF World Tennis Tour
Natapos na ang kampanya ni Filipino tennis player Alex Eala sa ITF World Tennis Tour. Ito ay matapos na talunin siya ni 8th seed Darya Astakhova ng Russia sa score na 6-2, 6-2 sa laro na ginanap sa Czech Republic. Mula sa simula pa lamang ng laro ay dinomina na ng […]