• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno nananatili sa ‘targeted testing’ para kontrolin ang pagkalat ng Covid-19

SA HALIP na mass testing, ang targeted testing o responsible testing ang gagamitin para makontrol ang pagkalat ng Covid-19 habang sinisiguro na ang government resources ay hindi mauubos.

 

 

Isinantabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang panawagan para sa mass testing, binigyang diin nito ang pangangailangan para sa pamahalaan na maging “smart” pagdating sa paggastos sa Covid-19 response ng bansa.

 

 

“Responsible testing po yung ginagawa natin kasi  we have to be mindful na hindi unlimited po ang resources ng pamahalaan at ng Pilipinas . And we have to be smart in where we will put our resources,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi pa ni Nograles na maliban sa testing, kailangan din na iprayoridad ng gobyerno ang “procurement and purchase” ng mga bakuna na makapagbibigay proteksyon laban sa Covid-19.

 

 

“Kailangan natin bumili ng bakuna at napakita naman natin mas cost-effective yung bakuna. Mas maraming mababakunahan natin, mas marami pa tayong maiiwasan na maging severe at critical cases ng Covid,” aniya pa rin.

 

 

Tiniyak din ng pamahalaan na may sapat na antiviral drugs na gagamitin para gamutin ang Covid-19 patients, functional bed capacities para sa mga nangangailangan ng hospital care, at mas maraming healthcare workers na titingin sa mga may sakit.

 

 

“Marami pong aspeto ang laban against Covid and we have to be very smart kung saan natin ilalagay ang pera ng taongbayan ,” ani Nograles.

 

 

Sa kasalukuyan, sinabi ni Nograles na ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ay nagbibigay ng libreng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing sa mga miyembro na nagpakita ng sintomas ng Covid-19.

 

 

“Testing is part of the PhilHealth package and then we are also pushing PhilHealth again na kahit sa home isolation ay kasama dapat sa PhilHealth coverage yung test ng home isolate,” anito.

 

 

Muling nanawagan si Nograles sa PhilHealth na palawigin ang Covid-19 Home Isolation Benefit Packages (CHIBP) nito at isama ang libreng RT-PCR testing.

Other News
  • Kaso ng ‘labor abuse’ sa mga food delivery riders, pinaaaksyunan

    Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa Department of Labor and Employment (DOLE) na agad imbestigahan at aksyunan ang mga napabalitang insidente ng “labor abuse” laban sa ilang food delivery riders sa bansa.     “Nananawagan ako sa DOLE na aksyunan agad ang hinaing ng ating delivery riders na nakararanas ng panggigipit sa mobile app operators. […]

  • COVID-19 reproduction number sa NCR bumaba sa 0.99 – OCTA

    Patuloy na nakakakita ang OCTA Research group ng improvement sa reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).     Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba sa 0.99 ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR mula sa nauna nilang report na aabot pa sa 1.03.     Umaasa si David na […]

  • Labis ang pasasalamat pati na rin si Dingdong… MARIAN, pinuri ni JOHN ang kahusayan sa pagganap sa ‘Balota’

    NAKATATABA marahil ng puso kapag ang isang mahusay na artista ay pinuri ang husay mo sa pagganap.         Katulad na lamang ng Best Actor na si John Arcilla, inihayag niya via his Instagram account ang paghanga niya sa kahusayan ni Marian Rivera sa Cinemalaya film na ‘Balota’.         Lahad […]