• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno ng Israel, pinayagan na ang mga pinoy na tumawid sa Egypt; gobyerno ng Pinas, nangako na iuuwi ng ligtas ang mga Filipino

TINIYAK ng  Israeli government  sa Pilipinas na pinapayagan na nito ang mga Filipino na makatawid at makadaan sa Rafah Crossing patungong Egypt. 
Siniguro naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  na handa ang Pilipinas na ialis ang mga filipino mula sa  war zone.
Sinabi ni Pangulong Marcos na nagawang makipag-ugnayan ni Ambassador to the Philippines Ilan Fluss  sa Foreign Minister of Israel at Philippine Ambassador Junie Laylo.
Si Laylo, sa kabilang banda ay nakipagpulong sa  Israeli Foreign Minister, araw ng Huwebe, nangako na papayagan ang mga Filipino na makatawid sa crossing.
“So, may pangako sila sa atin na maipapalabas na ang mga Pinoy, ang mga Pilipino, maipapalabas na by today or tomorrow. That is what they promised us. Saturday daw at the latest,” ayon kay Pangulong Marcos sa press briefing sa isinagawa niyang pag-anunsyo sa bagong Kalihim ng Department of Agriculture sa Palasyo ng Malakanyang.
“Nakahanda naman lahat ng ating mga bus. Nakahanda na ‘yung mga embassy natin sa Cairo na napunta… Nandoon lang sila. Matagal na silang nag-aantay doon sa tawiran, ‘yung Rafah crossing. And they are ready for when the time comes na tumawid na ang mga Pinoy dadalhin at pauuwiin,” ang litaniya ng Punong Ehekutibo.
Sa ulat, ang Rafah Crossing Point ay ang tanging “crossing point” sa pagitan ng  Egypt at Gaza Strip, matatagpuan sa  Gaza-Egypt border.  kinilala ito ng  1979 Egypt–Israel peace treaty.
Nag-alok naman ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas sa mga Thais, Vietnamese at iba pang mamamayan mula sa Southeast Asian countries na na-stranded sa crossing at nais na makaalis ng  Gaza, “telling other ASEAN countries to collaborate for the safety of their nationals,” ayon sa Pangulo.
“And it looks like we are the ones there first because ang presence naman ng Pinoy in the area is much higher than the others. So, that is the latest news that I received today, early this (Friday) morning from our Secretary of the DFA,” ayon kay Pangulong Marcos.
“And sana naman matotoo na para mailabas na natin lahat ng gustong lumabas and bring them back home to safety,” aniya pa rin.
Winika pa ng Pangulo na naging komplikado ang situwasyon dahil hindi pinayagan ang mga Palestinian husband ng ilang  Filipino na lisanin ang Gaza.
Maraming mga filipino naman ang hindi makapagdesisyon kung iiwanan ng mga ito ang kanilang asawa at mga anak sa  Gaza, na nasa ilalim ng matinding pambobomba at atake ng Israeli forces.
 “Siyempre ayaw naman nilang iwanan ang asawa nila, ayaw nilang iwanan ‘yung kanilang anak. So, these are the problems that we are facing,” ayon kay Pangulong Marcos.
Samantala, inanunsyo ng  Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at  Philippine embassy ang pagpapauwi sa ilang batch ng mga  Filipino mula Israel. (Daris Jose)
Other News
  • Lookout bulletin order vs 7 OVP officials, hiling

    HINILING ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng lookout bulletin order laban sa pitong opisyal mula sa Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa imbestugasyon nito ukol sa alegasyon ng mismanagement ng government funds sa ilalim ni Vice President Sara Duterte.   Ang kahilingan […]

  • Pwedeng gumanap sa remake ng ‘Ang Tanging Ina’: MELAI, nahihiya sa titulo na bagong ‘Comedy Queen’

    SI Melai Cantiveros na raw ang maaaring tawagin na Comedy Queen of this Generation.  Dahil daw sa nakikitang kagalingan ni Melai sa pagpapatawa.  Kumbaga sa kanyang kapanabayan ay nangunguna si Melai sa naturang larangan. Pero nahihiya naman umano ang ko­medyana sa titulong ibinibigay sa kanya ng mga tagahanga. “Thank you so much sa mga nagsasabi. I […]

  • 20th Century Studios Releases New Trailer and Poster for ‘Avatar: The Way of Water’

    THE sequel to the highest-grossing movie of all time is coming to theaters this December!   20th Century Studios has released a new trailer and poster for Avatar: The Way of Water, James Cameron’s highly anticipated, first follow-up to his Academy Award-winning Avatar, the highest-grossing film of all time.     In celebration of the […]