• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GOBYERNO NG PINAS, HIHIRAM NG $300 MILLION PARA BUMILI NG BAKUNA LABAN SA COVID -19

HIHIRAM ang gobyerno ng Pilipinas ng $300 million para bumili ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Martes ng gabi ay sinabi nito na prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan ang mga mahihirap at dedma sa Class ABC.

 

“[Finance Secretary Carlos Dominguez III] says that he can borrow money of $300 million plus… Makapamili tayo but I think it would do as well to also realize that unahin talaga nila (vaccine manufacturers), ‘yung mga tao nila,” ayon sa Pangulo.

 

“Sa ngayon, magbili ka. Mahal. As I have promised, gastos ng gobyerno itong bakuna para sa lahat ng Pilipino kaya nga uumpisahan natin sa mga mahihirap pataas. . . . Iyong A,B crowd hindi na tayo mag gastos dyan kasi mga milyonaryo na yan,” diing pahayag nito.

 

Matatandaang, inatasan ni Pangulong Duterte si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na iprayoridad ang mga mahihirap na Pilipino sa mga makakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Sinabi kasi ni Galvez na ang COVID-19 immunization pro- gram ay magiging patas sa lahat, mayaman man o mahirap.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga mahihirap na benepisyaryo sa ilalim ng cash subsidy program ng pamahalaan ang dapat maunang mababakunahan.

 

Katwiran pa ng Pangulo, kaya naman ng mga mayayaman na bumili ng sarili nilang bakuna.

 

Kaugnay nito, iprinisenta ni Galvez kay Pangulong Duterte ang ‘Philippine National Vaccine Roadmap’ kung saan magiging time-based at objective-based.

 

Bago ito, sinabi ni Pangulong Duterte na tanging si Galvez lamang ang awtorisadong opisyal para makikipagnegosasyon para vaccine supply ng bansa.

 

Nais din ng Pangulo na dumaan ang pagbili ng bakuna sa ilalim ng government-to-government arrangement. (Daris Jose)

Other News
  • PASASALAMAT at pagpupugay sa mga tauhan ng Accounts Management Section

    PASASALAMAT at pagpupugay sa mga tauhan ng Accounts Management Section (AMS) ng SSS Diliman Branch, Quezon City.     Naging madali ang pagkuha natin ng SSS clearance for compliance of Regional Trial Court accreditation dahil sa tulong nila. Isa kasi ito sa mga requirements na kailangan namin para sa accreditation under PD 1079 kaya labis […]

  • Tenorio patuloy ang pagiging ‘Iron Man’ ng PBA

    SA HALFTIME ng upakan ng Barangay Ginebra sa Blackwater noong Linggo ay binigyan si point guard LA Tenorio ng Philippine Basketball Association ng plaque.     Ito ay dahil sa paglalaro ng 37-anyos na si Tenorio ng kanyang ika-700 sunod na laro.     “Nag-e-enjoy lang din ako with the competition, siyempre. I’m enjoying myself. […]

  • Baclao ayos sa Meralco

    SOLB na si Siverino ‘Nonoy Baclao, Jr. sa pagbabalik sa Meralco sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa Abril 9.     Maski hindi pa nakapaglaro sa Bolts taong 2020, pinagkalooban ng kuryente ng contract extension ang 33-year-old, 6-foot-5 big man na produkto ng Ateneo de Manila Univerity-Quezon City.     Ginamit […]