• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno ng Pinas, nagpaabot ng tulong sa mga OFWs sa HongKong na tinamaan ng Covid-19

NAGPAABOT ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong, sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nag-positibo sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang POLO ang siyang agarang nagbigay sa mga OFWs ng pagkain, hygiene kits at power banks para hayaan ang mga ito na makapag-communicate habang naghihintay ng tawag mula sa Center for Health Protection at HK Labour Department.

 

 

Idagdag pa rito, nakikipag-ugnayan naman ang POLO sa non-government organization upang magbigay ng isolation facility para ma- accommodate ang ilang OFWs.

 

 

Nakikipag-ugnayan din aniya ang POLO sa HK Labour Department, kung saan nagtayo ng isolation facility para sa mga kababayang Filipino, pending admission sa quarantine facility, maliban pa sa pagbibigay ng transportation arrangements.

 

 

Nagbigay din ang POLO ng USD200 para sa “after care financial assistance to those who recovered from COVID-19.”

 

 

“Of our 28 kababayans in Hongkong who tested positive for COVID-19, as of February 19, 2022, five have already recovered, and 3 of whom are back to their respective employers,” ayon kay Nograles.

 

 

Samantala, magbibigay naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng USD200 para sa bawat COVID-positive OFW.  (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Halos 13k katao apektado ng lindol sa Abra

    LALO pang dumami ang mga naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol mula sa hilagang bahagi ng Luzon, bagay na nag-iwan na ng apat na patay at mahigit isang daang sugatan.     Ito ang pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) patungkol sa pagyanig nitong Miyerkules na siyang nagmula sa epicenter na […]

  • Cash incentive para sa olympic gold medalist

    Bukod sa MVP Sports Foundation ni Manny V. Pangilinan ay nangako rin si Ramon Ang ng San Miguel Corporation (SMC) na bibigyan ng cash incentives ang mga atletang mag-uuwi ng medalya mula sa Tokyo Olympic Games.     Magbibigay ang SMC ng bonus na P10 milyon para sa kukuha sa kauna-unahang Olympic gold medal ng […]

  • Highly-Anticipated Films to Watch This Second Half of 2021

          BECAUSE of the COVID-19 pandemic, 2020 has been a tough year for the film industry, especially with all the film releases getting postponed to a later date.    Here’s a rundown of some of the highly-anticipated films we’re all looking forward to catching in cinemas this second half of 2021!   Check […]