• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, “on the right track” para magbigay ng affordable rice-NEDA

“ON the right track” ang admkinistrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para magbigay ng affordable o abot-kayang halaga ng bigas sa merkado.

 

 

Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon sa press briefing sa Malakanyang na magpapalabas ang administrasyong Marcos ng “economies of scale” na sa kalaunan ay magiging daan para maisakatuparan na makapagbigay ng affordable rice sa merkado.

 

 

Inulit naman ni Edillon ang ipinahayag ni Pangulong Marcos sa sectoral meeting na ang agricultural production ay dapat na nasa commercial scale upang sa  gayon, ang mga magsasaka ay magawang makapaglagay sa tamang investment at ang “research at development” ay dapat na mapanatili sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

“That is the general direction that we will be going to – kumbaga may economies of scale ka. So, kung ganun, going forward, yes, we can attain that pero, ayon nga, marami pang kailangan mangyari muna,” anito.

 

 

Hiningan kasi si Edillon ng reaksyon ukol sa naunang pahayag ni  Department of Agriculture (DA) Secretary Franciso Tiu Laurel Jr. na malabo pa sa ngayon ang P20.00 kada kilo ng bigas.

 

 

“But for now, rice prices in the market will remain the same, “At this time, hindi pa talaga pwede.” ayon kay Edillon sabay sabing “So, with respect to improvements ng R&D (research and development), ‘yung irrigation natin. Sa ngayon, ang ginagawa natin is ‘yung clustering of farms, farm consolidation, para maging malalaki ang mga, you know farm sizes. We should be able to replicate that across the country.

 

 

At nang tanungin kung ang presyo ng bigas ay maaaring gawing  P20.00 kada kilo bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos, ang tugon ni Edillon ay ‘isa itong mithiin’ ni DA Secretary Laurel,  giit  ni Edullon na mas maalam o marunong ang DA Secretary  pagdating sa agriculture sector(Daris Jose)

Other News
  • DOLOMITE BEACH, MULING MAGBUBUKAS

    INAASAHAN ang muling pagbubukas ng Manila Bay Dolomite Beach sa mismong Araw ng Kalayaan sa  June 12,2022.   Kaugnay nito, puspusan na rin ang paghahanda  para sa muling pagbubukas kung saan tuluy-tuloy ang ginagawang paglilinis sa Dolomite beach.     Mapapansin din ang ilang mga tumpok ng white sand na inaasahang ilalatag dito     […]

  • PAOCC spox Casio nanampal ng POGO worker, sibak!

    Sinibak ng Malakanyang ang tagapagsalita ng Presidential Anti-Organizd Crime Commission (PAOCC) na si Winston Casio.     Ito’y matapos mag-viral sa social media ang video nang pananampal ni Casio sa isang Pinoy sa isinagawang raid sa scam hub sa Bagac, Bataan.     Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng PAOCC, bukod sa pagsibak […]

  • Magulang na di nagbibigay ng sustento sa anak, ipakulong

    NAIS  ni Davao City Rep. Paolo Duterte na maipakulong ang mga magulang na nagpabaya at hindi rin nagbibigay ng sustento sa anak o obligasyon na child support.     Sa ilalim ng House Bill 4807 na inihain ng mambabatas kasama ang tatlong iba pa, ipinanukala na mapatawan g parusang pagkakakulong ng 2-4 na taon ang […]