• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, pag-uusapan ang muling pagbubukas ng mga sinehan sa Kalakhang Maynila , travel protocols

PAG-UUSAPAN ng Inter-agency task force on COVID-19 ang panukalang muling pagbubukas ng mga sinehan sa Kalakhang Maynila at posibleng bagong protocols para sa mga byahero.

 

Ang mga movie houses, arcades, at cinemas sa capital region ay nagsara simula pa noong Marso matapos na sumipa ang coronavirus cases.

 

“Ang alam ko po, nasa agenda ‘yan mamaya ng IATF,” ayon kay task force at Presidential spokesperson Harry Roque ukol sa muling pagbubukas ng mga sinehan.

 

“Pero ang pagbubukas po na pag-uusapan ay Level 3, hindi po Level 4. Pero pag-uusapan pa po ‘yan mamaya,” aniya pa rin.

 

Ang Kalakhang Maynila ay nasa ilalim ng 4th highest alert sa 5-step scale hanggang Oktubre 15.

 

Ang alert system ay sinubukan sa rehiyon kasama ang granular lockdowns, kung saan ay inaasahan ng pamahalaan na mapipigilan ang COVID-19 outbreaks at muling mapasisigla ang business activity.

 

At sa tanong kung aalisin na ng gobyerno ang COVID-19 testing requirement para sa mga fully vaccinated travelers na papunta sa mga lalawigan ay sinabi ni Sec. Roque na “Wala pa pong desisyon ang IATF d’yan.”

 

“Pero isa po sa pag-uusapan mamayang hapon ay ‘yong pagbabago ng ating arrival protocols from abroad. Iyong mga darating po sa abroad, meron pong panukalang pag-uusapan mamayang hapon,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Rizal Province, Top 1 Most Competitive Province in the Philippines for 5 consecutive years!

    Congratulations Rizal Province for being the Top 1 Most Competitive Province in the Philippines for 5 consecutive years! Malugod ding pagbati sa Antipolo City na tinanghal sa pangatlong pagkakataon na Top 1 Most Competitive Component City in the Philippines at sa Cainta at Taytay bilang Top 1 at Top 2 Most Competitive Municipalities (first-second class) […]

  • McGregor talo na naman nabalian pa sa ankle sa 3rd fight kay Pornier

    Lumasap na naman ng talo ang kontrobersiyal na si Conor McGregor sa kamay ng kanyang karibal na si Dustin Poirier sa pamamagitan ng TKO sa UFC 264.     Nangyari ito sa first round lamang ng ikatlong nilang fight na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.     Ang dalawang ay long time rival […]

  • Ads April 4, 2022