• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, pinag-aaralang mabuti kung paano imo-motivate ang LGUs para tugunan ang malnutrisyon

PINAG-AARALANG mabuti ng national government kung paano bibigyan ng insentibo ang local government units (LGUs) sa laban nito sa malnutrisyon.

 

 

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawang paglulunsad ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP), isang collaborative effort sa pagitan ng  Philippine government at World Bank na naglalayong paghusayin ang nutritional status ng mga Filipino.

 

 

Ani Pangulong Marcos, layon ng PMNP na makapagbigay ng pangunahing health care support at nutrition services, access sa malinis na tubig at sanitasyon, technical information, pagsasanay at financing sa kailangang interbensyon ng LGUs para tugunan ang malnutrisyon.

 

 

“The program will also incentivize the participating LGUs. We were just having a very quick discussion about how that should be-how we can achieve that,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.

 

 

“We see very clearly the problems that arise at the ground level,” aniya pa rin.

 

 

Binatikos naman ng Punong Ehekutibo kung bakit hindi naging prayoridad ang health  care sa local na antas, tinuran ang kakulangan ng kakayahan at abilidad, at maging kasanayan at manpower.

 

 

” So we have found a way to bring the LGUs in. Because it is without their partnership, we do not get to what is often referred to as the last mile. That is always the problem when you try to translate a program from the national level, a program of the national government, all the way down to the local government, down to the barangay level,” ang winika ng Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng Pangulo ang Department of Health (DoH) na makipagsanib-puwersa sa ibang ahensiya ng pamahalaan ” in harmonizing and implementing sound diet and nutritional  policies and  practices.”

 

 

Nanawagan naman ang Pangulo ng “employment of best efforts” upang matiyak ang “well orchestrated coordinated strategy ” para ipatupad ang nutritional programs sa iba’t ibang bahagi ng bansa.  (Daris Jose)

Other News
  • EJ Obiena target na gumawa ng panibagong record sa susunod na taon

    HINDI nawawalan ng pag-asa si Pinoy pole vaulter EJ Obiena na makamit ang mga target na record para sa sarili.     Sinabi nito na kapag tuluyan ng itong gumaling mula sa kaniyang injury sa likod ay handa na nitong mahgitan ang kaniyang 6.00 meters na record.     Ang nasabing record kasi ay kaniyang […]

  • Witness The Return of an Avenger: Marvel Studios’ “The Marvels” Arriving on November 8

    IN just two weeks, experience this year’s most epic superpowered team-up in Marvel Studios’ “The Marvels ” arriving in cinemas on November 8, Wednesday. Book your tickets in advance by checking the showtimes: https://www.disney.ph/movies/the-marvels   In Marvel Studios’ “The Marvels,” an Avenger heads back to cinemas as Captain Marvel teams up with the Marvel Cinematic […]

  • Mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad, magbubukas para sa isasagawang job fair kasabay ng Labor Day

    AABOT sa mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad ang magbubukas kasabay ng pagdiriwang ng Labor day sa Mayo 1.     Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa kabuuang 52,237 trabaho para sa local employment habang nasa 12,248 job vacancies naman sa iba’t ibang bansa.     Ilan sa pangunahing bakanteng […]