Gobyerno, sisimulan na ang pagbabakuna sa 5-11 years old sa Pebrero 4- Galvez
- Published on January 26, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG simulan ng pamahalaan at pangasiwaan ang pagtuturok ng Covid-19 vaccine sa mga kabataan na may edad na 5 hanggang 11 taong gulang sa Pebrero 4, 2022.
“We are already prepared in the vaccination of 5 to 11 years old,” ito ang iniulat ni National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People ng huli, Lunes ng gabi.
Sinabi ni Galvez na magpapalabas ang gobyerno ng memorandum guidance ngayong Linggo, mayroong town hall meetings mula Enero 24 hanggang 28, para sa rollout ng pediatric vaccination sa ilalim ng 5-11 years old age bracket.
“The formulated low-dosing Pfizer Covid-19 vaccine to be used for the younger population will tentatively arrive on February 2,” ayon kay Galvez.
Aniya pa , ang pediatric vaccination para sa age bracket ay iro-rolled out sa two phases o dalawang bahagi.
Para sa first phase, ang pilot run ay isasagawa sa isang hospital-based at isang local government unit (LGU)-based vaccination site kada lungsod, sa loob ng National Capital Region (NCR).
Matapos ang isang linggo, palalawigin ito sa nalalabing inoculation sites sa Kalakhang Maynila at iba pang rehiyon, para sa second phase.
“We will open the hospital and non-hospital vaccination site and we will expand the sites further to other regions after one week. Again, we will open our vaccination rollout on February 4,” ang pahayag ni Galvez.
Makikita sa pinakahuling data mula sa NTF na may 7,246,430 adolescents, o kabataan na may edad na 12 hanggang 17, ang fully protected laban sa nasabing sakit.
Inaasahan naman ng pamahalaan na makapagbabakuna ng mahigit sa 39.41 milyon na ang edad ay mula “zero to 17 years old.” (Daris Jose)
-
DepEd, target na ayusin ang performance ng 8 milyong estudyante para sa 2025 PISA
SINABI ni Education Secretary Sonny Angara na dapat na tutukan ng Department of Education (DepEd) ang performance ng 8 milyong mag-aaral at stakeholders nito sa paghahanda para sa Programme for International Student Assessment (PISA) para sa susunod na taon. Sinabi ng Kalihim na ang kanyang “immediate goal” sa pag-upo sa DepEd ay iangat ang performance […]
-
Nope Cast Reveals If They Believe in Aliens in Real Life
THE cast of Jordan Peele’s Nope has revealed if they believe in aliens in real life. The thrilling alien horror Nope released in theaters on July 22, finally bringing answers to the vague trailers and plot details of Peele’s mysterious movie. Nope is Peele’s third outing as director following the success of Get […]
-
Movie nila ni BEA, inaabangan bukod sa serye: ALDEN, good vibes lang palagi kaya patuloy ang blessings
SABI ni Direk Roman Cruz, Jr. tinitiyak daw niya na every movie na kanyang ginagawa ay ibang-iba sa huling project na kanyang dinirek. Pero aminado naman siya na itong latest movie for Vivamax titled Putahe ay homage niya sa pelikula niyang Adan na umagaw ng atensiyon nang ito ay ipalabas. “Hindi naman ito […]