• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, susuriin kung gawa-gawa lang ang kakapusan sa asukal

MAHIGPIT na susuriin ng gobyerno ang mga bodega sa bansa para malaman kung totoo o gawa-gawa lang ang kakapusan sa suplay ng asukal.

 

 

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang susunod na hakbang ng pamahalaan ay ang  alamin kung ang kakapusan ng asukal ay artificial.

 

 

“Subaybayan n’yo po at tuluy-tuloy kasi ‘yung operasyon natin dito sa pagi-inspect ng mga warehouses so we can get to the bottom of what appears to be an artificial shortage,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

“Whether or not it is artificial will depend on the evidence produced by these warehouse operations,” dagdag na pahayag.

 

 

At sa tanong kung maglalaan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng  lahat ng “sugar output for crop year 2022-2023 para sa domestic use, sinabi ni Cruz-Angeles , “Depende po ‘yan sa magiging findings natin.”

 

 

“Ang tinitingnan natin sa ngayon ay kung artificial ba ang shortage ng asukal o hindi at ang paga-allocate po ay magiging base sa kung mayroon ngang kakulangan o hindi. So titingnan pa po natin,” ang wika ni Cruz-Angeles.

 

 

Nauna rito, kinumpirma ni Cruz-Angeles na may panukalang mag-angkat ng 150,000 metric tons ng asukal.

 

 

Ang detalye ng pag-angkat ay inaayos pa sa ngayon.

 

 

“Ito po ‘yung sinasabi na 150,000 metric tons ng asukal na iimport, kalahati na mapupunta doon sa industrial users po. Wala naman pong ibang napagusapan,” aniya pa rin.

 

 

“Hindi pa po yata final, may winoworkout lang, iaannounce po namin kapag final na po ito, it is yes a proposal and is seriously being considered,” sinabi pa ni Cruz-Angeles.

 

 

Matatandaang, binasura ni Pangulong Marcos ang panukalang mag-angkat ng  300,000 metric tons ng asukal sa gitna ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

 

Samantala, binansagan ng Malakanyang ang  Order No. 4 bilang illegal, nag-convened kasi ang Sugar Regulatory Board at nagpalabas ng resolution ng walang pahintulot ni Pangulong Marcos, kasalukuyang   Agriculture secretary at  chairperson ng SRB.

 

 

Ang mga signatories ng kontrobersiyal na kautusan ay sina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, board member Atty. Roland Beltran, at Sugar Regulatory Administration administrator Hermenegildo Serafica, pawang mga nagbitiw sa puwesto. (Daris Jose)

Other News
  • Parks hindi ban sa PBA — Marcial

    Hindi maba-ban si Bobby Ray Parks Jr. sa PBA.     Ito ang binigyan linaw ng pamunuan ng PBA kung saan tiniyak nitong walang ipapataw na ban sa Talk ’N Text guard.     Nagsulputan sa social media ang ilang larawan na umano’y binigyan ng ban ng PBA si Parks matapos ang ginawa nitong biglaang […]

  • Mga opisyal ng NFA na nasa ilalim ng imbestigasyon, hinikayat na boluntaryong mag-leave of absence

    HINIKAYAT ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na iniimbestigahan sa di umano’y hindi tamang pagbebenta ng NFA buffer stock rice sa subsidized price na boluntaryong mag- leave of absence (LOA).     Sinabi ni Laurel sa mga kinauukulang opisyal na pahintulutan ang investigating panel ng Department […]

  • Cyber security office, itatag vs hackers! – Tulfo

    NANANAWAGAN si House Deputy Majority Floor Leader at ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo sa pamahalaan na magtatag na ng isang ahensya para protektahan at labanan ang anumang pag-atake ng mga hackers, o mas malala pa, ng mga cyber terrorists, sa mga computer at data systems sa bansa.     Ito’y matapos ang sunud-sunod na pag-atake ng […]