Gobyerno, target bakunahan ang 15M sa 3-day nat’l vaccination drive
- Published on November 13, 2021
- by @peoplesbalita
TARGET ng pamahalaan na bakunahan ang 15 milyong Filipino sa isasagawang three-day national Covid-19 vaccination program na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan” Day mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force (NTF) against Covid-19 sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasama sa inisyatibo ng national Covid-19 vaccination ang “whole-of-society and whole-of-government” approach.
“So ang atin pong framework ay talagang magkakaroon tayo ng Bayanihan . It will involve all society and all government agencies,” said Galvez, isa ring vaccine czar ng bansa.
Tinukoy ni Galvez na ang event ay naglalayong gawing sabay-sabay at mabilis ang coronavirus inoculation drive, na isasagawa sa 17 rehiyon sa iba’t ibang panig ng bansa.
“As we ramp up the implementation of the Covid-19 vaccination nationwide, the national government shall facilitate the vaccination activities and expedite vaccination of individuals with zero-dose by devoting three days solely for vaccination activities nationwide,” aniya pa rin.
Sa kabila ng target ng vaccination drive na maiturok ang 15 milyong doses ng Covid-19 vaccine, sinabi ni Galvez na “it doesn’t stop there”.
“We are planning to sustain the outcome of the national vaccination day for the coming weeks,” dagdag na pahayag nito.
Makakatulong din ang nasabing inisyatibo sa Local government units (LGUs) na may mababang vaccination output para mapabilis ang kani-kanilang vaccination program.
“So objective po nito is to mobilize all stakeholders, people and logistics to facilitate the vaccination with Covid-19 vaccines of at least 15 million individuals in three days,” ang pahahag ni Galvez sabay sabing may ilang lugar na may mabagal na vaccination drives ang nahaharap sa ilang mga hamon at limitasyon pagdating sa vaccine logistical at handling requirement. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Portuguese Footbal Federation itinangging nagbanta si Ronaldo na ito ay hindi na maglalaro sa World Cup
Pinabulaanan ng Portuguese Football Federation (FPF) na nagbanta ang kanilang star player na si Cristiano Ronaldo na ito ay lalayas na at hindi na maglalaro sa nagpapatuloy na FIFA World Cup na ginaganap sa Qatar. Ayon sa koponan na walang katotohanan ang kumalat na balita sa banta ng kanilang team captain. Sa kada […]
-
Here’s everything you need to know before watching “Dune: Part Two” on February 28
Haven’t gotten around to watching the first Dune? Warner Bros. has just released a “catch-up video” to get you up to speed before watching Dune: Part Two, the highly anticipated big-screen, epic adventure of the year. Catch up in under two minutes here: https://youtu.be/74MYxtaZN6U Tickets to Dune: Part Two are also available now. Don’t miss […]
-
“Scarlett Johansson: Embracing Strength in ‘Fly Me to the Moon’
SCARLETT Johansson, who developed the idea for ‘Fly Me to the Moon’ with fellow creatives in her production company These Pictures, was originally going to just be a producer, not an actor, in the film. But because of how well the script was written, Johansson eventually became a leader not only behind […]