Gobyerno, walang ginastos kahit na isang kusing na mula sa pondo ng pamahalaan
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
IGINIIT ng Malakanyang na walang ginamit na kahit na singkong pondo ng pamahalaan sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Malinaw ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na walang nilabag ang pamahalaan ukol sa “prioritization for COVID-19 vaccination”.
Sa ulat, umamin si PSG BGEN Jesus P Durante III PA na nagpabakuna na sila laban sa COVID- 19 hindi para sa kanilang personal agenda kundi bahagi ng kanilang misyon na protektahan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa kalatas na ipinalabas ni Durante, nakasaad dito na ang PSG ay pangunahing unit ng AFP na ang mandato ay protektahan ang pinakamataas na lider ng bansa.
Sa kasalukuyan aniyang pandemya, kailangang tiyakin ng PSG na hindi sila banta sa kalusugan at kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Aniya, ang PSG ang nangasiwa sa COVID-19 vaccine sa mga personnel nito na nagsisilbi bilang close-in security operations ng Pangulo.
Bago pa ito ay si Pangulong Duterte mismo ang nagsiwalat na may ilang miyembro ng military ang naturukan ng bakuna mula Sinopharm kahit hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration ang kahit na anumang COVID-19 vaccine sa bansa.
Sinabi ni Sec. Roque na hindi niya alam kung paano nakapaso sa bansa ang naturang bakuna.
“Hindi ko po alam kung pa’no ‘yan nakalusot,” diing pahayag ni Sec. Roque.
-
Price cap, pinatatag ang presyo ng bigas- PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang ipinag-utos na price ceiling para sa bigas ay nakatulong para patatagin ang presyo ng kalakal sa merkado. Binigyang-diin ng Pangulo na ang pagiging matatag ng presyo ng ibigas sa merkado ay isa sa mga dahilan na nag-udyok sa gobyerno na bawiin ang implementasyon ng Executive […]
-
Ads December 21, 2021
-
Target population para mabakunahan ng COVID-19 vaccine sa NCR, nasa 100% na – MMDA
Naabot na raw ng National Capital Region (NCR) ang 100 percent na target population para mabakunahan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine. Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr., ang Metro Manila raw ay mayroong elligible population na 9.8 million. Labis na ikinatuwa ni Abalos ang naging […]